chapter 7

3353 Words

Noón ay marunong na ng̃ wikàng kastilà si Basilio at nakasagót nang walâng nakatawa. Ang bagay na iyón ay isinamâ ng̃ loób ng̃ lahát, ang inaantáy na kamalìan ay hindî sumipót, walâng nápatawá at ang pangyayaring iyón ay hindî naipatawad sa kaniyá ng̃ mabuting praile, sapagkâ’t sinirà ang pag-asa ng̃ boong klase at pinabulàanan ang hulà. Ng̃unì’t sino ang makahihinalà na lalabás ang anománg bagay na may kabuluhán sa isáng ulong ang buhók ay walâng ayos na nagtátapós sa katawán ng̃ isáng indio na masamâ ang sapatos at kahahalò pá lamang sa kaniya sa mg̃a ibong mapang̃unyapít? At kung sa ibáng paaralán, na may sadyâng pagnanasàng ang mg̃a batà’y matuto, ay nagágalák ang mg̃a nagtuturò kung nakakatagpô ng̃ gayón, sa mg̃a paaralan namáng pinamamahalàan ng̃ mg̃a taong ang lalòng mara

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD