chapter 8

3123 Words

--¡Lakíng kamalîan!--ang putol ni Simoun--napadadayà kayó sa maiinam na pang̃ung̃usap at hindî ninyó tinutung̃o ang latak at sinusurì ang hulí niyáng iaanák. Hindî magiging siyáng karaniwang salitâ dito kailán man ang wikàng kastilà, hindî siya gagamitin ng̃ bayan, sapagkâ’t ang mg̃a bukál ng̃ pag-iisip at pusò nitó ay walâng katimbáng na salitâ sa wikàng iyan; bawà’t bayan ay may kaniyáng sarili, gaya rin namán ng̃ pangyayaring may sariling pagdaramdám. ¿Anó ang gágawín ninyó sa wikàng kastilà, kayóng iíláng gagamit? Patayín ang inyóng katang̃ìan, isailalim ng̃ ibáng utak ang inyóng mg̃a pag-iisip at hindî kayó magíging malayà kundî magiging tunay na alipin pa ng̃â. Ang siyam sa bawà’t sampû ninyóng nag-aakalàng kayó’y mg̃a bihasá, ay pawàng tumakwíl sa inyóng tinubùan. Ang baw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD