--Magtiístiís muna kayó, kayóng mg̃a nagpamana sa akin ng̃ isáng pang̃alan at isáng tahanan, magtiístiís muna kayó! Lahát ay nawalâ sa akin, ang bayan, ang kinabukasan, sampû ng̃ inyóng mg̃a libing̃an.... ng̃unì’t magtiístiís muna kayó! At ikáw budhîng marang̃ál, dakilàng kaluluwá, pusòng mapagling̃ap na nabuhay sa iísáng hang̃ad lamang at ipinará mo ang iyóng buhay na hindî man nag-antáy ng̃ pasasalamat at paghang̃à ng̃ kahit sino, magtiís ka muna, magtiís tiís ka! Ang mg̃a kaparaanang ginagamit ko ay hindî marahil ang ginamit mo, ng̃unì’t siyáng lalòng madalî.... Nálalapít na ang araw, at pagliliwanag ay akó na rin ang magbabalità sa inyó: ¡Magtiístiís muna kayó! VIII ¡MABUTING PASKÓ! Nang imulat ni Hulî ang namumuktông matá ay nákitang madilím pá ang ba

