Stacey Suarez I LOOKED AROUND, tanging litrato na naroon ay ang nakasabit sa dingding. The picture of them when they got married. Ang iba ay mga sertipiko ni Simon sa pagkapolis. Nakita ko rin na pareho silang nakapagtapos ng college. Simon’s credentials were pretty impressive, no wonder how he ended up as one of my father’s trusted body guard. “Miss Stacey,” tawag ni Simon at bumaling ako sa may pinto naroon sila mag-asawa na nakatayo. “Ang asawa ko, Si Ritchell.” Pakilala niya. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. I don’t know if I heard her right, but I think she is sniffing restraining herself from the possibility of crying. Marahan niyang hinaplos ang ulo ko. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. She is so emotional, bag

