CHAPTER 85 Bahagi ng gayuma na kahit pa saktan o kahit pasunurin ang biktima sa kahit ano ay para rin itong asong ulol na susunod lang. Hindi kakayaning kumontra, lumaban o magprotesta dahil ang tingin niya sa akin ay amo. Isang Diyos na kailangan niyang sundin anuman ang ipagawa o gagawin. “Humingi ka sa akin ng ipaumanhin, lumuhod ka dahil sa ginawa mong kasalanan sa akin,” bulong kong utos sa nasaktan kong si Isabella. Wala siyang magawa kundi ang sumunod sa aking sinabi. Dahan-dahan siyang lumuhod pero banaag sa kanyang mga mata na hindi siya natutuwa sa nangyayari. Na hindi niya gusto ang kanyang ginagawa ngunit may kung anong epekto ang gayuma para maging sunud-sunuran lang siya sa gusto ko. "Ipagpaumahin mo. Nadala lang ako. Hindi na mauulit pa," nanginginig na paghingi niya ng

