CHAPTER 86 "Masarap ba?” Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. “Napasaya ba kita?" Sinuklay ko ang buhok niya. Bumuntong hininga siya. "Nasarapan naman ngunit bakit parang may mali? Bakit parang nakokonsensiya ako. Bakit parang nasasaktan ako?” tanong ni Isabella sa akin. "Huwag kang mag-alala. Hindi mo pagsisihan ito. Pakakasalan kita,” tugon ko sa sinabi niya. Bakit ko naman aaminin na talagang may mali nga? "Sino ka ba talaga? Anong ginawa mo sa akin?” “Anong ginawa ko sa’yo? Ano naman ang gagawin ko? Hindi kita pinilit na sumama sa akin. Kusa kang sumunod kahit iniwan na kita sa labas kanina.” Bumuntong-hininga siya. “Alam ko at iyon ang ipinagtataka ko. Hindi ako ito.” "Magpahinga ka na lang muna," bulong ko. “Hindi problema nga maging tayo.” "Tayo? Walang tayo.”

