CHAPTER 88 Nang pumasok kami sa kauna-unahang Mall sa buong Pilipinas ay hinigpitan niya ang hawak niya sa aking kamay. Hindi ko gustong iparamdam na ikinakahiya ko ang simpleng suot niya. Ayaw kong maramdaman niya na iba siya kaya nga kahit pa ramdam kong ayaw niyang magkadaop-palad kaming pumasok ay pumayag na rin siya. Wala na rin naman siyang magagawa pa. “Ang bango naman dito sa loob at ang lamig,” bulong niya sa akin na ikinangit ko. Nakita kong namangha siya sa maliwanag na mga ilaw at kakaibang estraktura sa loob ng bagong pamilihang iyon. Ako man ay humanga sa makabagong disenyo at ang mga naggagandahang mga dekorasyon. Parang kaming nasa Europiyang mga bansa. Ibang saya ang binigay sa akin ng paghawak niya sa aking kamay. Ibang karanasan na sa wakas, may matatawag na akong b

