CHAPTER 89 “Are you happy with your new look?” tanong ko. Huminga siya ng malalim. Parang hindi siya natutuwa. “Hindi ko gusto lahat, ang kulay ng buhok ko, ang pagkakulot nito, ang kulay ng mga kuko ko. Kung maganda ako sa paningin mo? Bakit kailangan mo akong baguhin,” kunot ang noo at salubong ang kanyang kilay. Hinila ko muna ang upuan para makaupo siya. Tinignan ko ang mga kalalakihang nakatingin sa amin ng masama at agad naman silang tumalima. “Hindi mo gusto pero bagay sa’yo. Nakita mo ba ang mga mata ng mga lalaki at hitsura ng mga babae pagpasok mo? Lahat sila nakatingin sa’yo. Lahat sila nagagandahan lalo na ako. Hindi kailangan maging simple ka lang, Isabella kung pwede namang maging best ka. Inilalabas ko ang best version of you at nakikita kong wala namang mali.” “Sa’

