CHAPTER 94 “Dali na anak, tawagan mo na si Lucas at umuwi na muna kayo. Kailangan ninyong mahanap ang singsing ngayon din,” utos ni Tito sa akin. Nakita ko sa mukha niya ang matinding takot at pagkabahala.” “Tito sino naman ang pupunta sa bahay? Kung nabulog man nang pinagulong namin ito, nandoon pa rin naman iyon at mababalikan pa rin namin. Malakas ang paniniwala kong wala doong pupunta at sigurado akong mahahanap namin iyon. Wala nang iba pa pong magsusuot na ibang tao pa roon.” “Sigurado ka ba riyan? Paano nga lang kung may maligaw? Paano kung nandoon na si Elijah? Hindi nga ba’t ang alam ko, gusto kang makausap?” “Na hindi ho tumatawag? Tito, kung nandito na iyon, dapat nagsabi na siya. Dapat kagabi pa o kaninang umaga pa.” “Hindi ko alam pero iba yung kutob ko, Ava. Kinakabahan

