“Addie, kakain na. Ipinapatawag ka na ni Ma’am sa baba,” pagbibigay-alam sa akin ni Ate Precy. Ngumiti at tumango naman agad ako sa kaniya. “Sige po, ate. Tapusin ko lang po itong tawag,” magalang kong tugon. Kausap ko kasi ngayon ang kambal. Nag-send kasi si Tita Beth kanina ng mga pictures nila habang nagdo-drawing, hanggang sa matapos nila iyong mga drawing nila. Si Ayanna ay nag-drawing ng buong family namin. Magkakahawak ang kamay niyon. Nasa magkabilang gilid kami ni Tita Beth habang nasa gitna naman silang magkapatid. Si Axton naman ay nag-drawing ng eroplano at mga ulap. Medyo, hindi pa maayos lalo ang pagkukulay nila pero talagang nakatutuwang makita. “Okay,” sagot pa niya bago umalis. “O, anong sabi ng future mother-in-law mo?” nanunuksong tanong ni Tita Beth. Natawa naman ak

