Pagpasok ko sa VIP cubicle na iyon ay tumayo agad si Dominic para salubungin ako. “Addie! Finally, you’re here.” Hinawakan niya ang braso ko at iginiya akong maupo. Pagkatapos ay kinuha ang bouquet ng mga rosas na nasa tabi niya at iniabot sa akin. “For you.” Pilit ang ngiting tinanggap ko iyon. Pagkatapos ay bumaling siya sa waiter na naghihintay doon. “You can now deliver my orders,” utos niya rito. “Right away, Sir,” mabilis namang tugon ng waiter at iniwan na kami. “So, how’s work, Addie?” nakangiti niyang tanong. Bumuntong-hininga ako bago sumagot at saka inilapag sa gilid ng lamesa iyong bouquet na ibinigay niya. “Masaya. Nag-eenjoy ako kasi mabait sa akin si Ma’am Marinelle. Hindi rin naman siya mahirap alagaan at talagang maayos ang trato niya sa akin,” pormal kong sagot.

