“So, iyon nga. Lumaki akong laging naiinggit kay Marcus. Kasi siya talaga iyong paboritong anak at paboritong apo. Pati iyong lolo ko, palaging siya lang ang pinupuri at binibigyan ng mamahaling mga regalo at laruan. Alam mo bang niregaluhan ni lolo si Marcus ng isang isla sa Brazil? Tapos ako, wala. Tingin kasi nila sa akin, mahina, walang kuwenta at hindi mapagkakatiwalaan. Kaya noong makuha ko ang mana ko, nag-invest ako nang nag-invest sa mga negosyong alam kong papatok. Hindi naman ako nabigo dahil sa loob lang ng limang taon, naipatayo ko ang MBS. Siyempre, Malaki rin ang na itulong ni Marcus dahil sa lawak at dami ng koneksyon niya. Ginalingan ko talaga. Pinatunayan kong kaya ko ring magtagumpay kahit hinahamak at minamaliit nila ako. And I did! Hindi nga lang ako kasingyaman ni Mar

