Naghinang ang mga mata namin ng tinatawag nilang Marco kaya wala sa sariling napatayo ako. Ngayong nakikita ko na siyang muli ay mas lalo kong nakikita ang pakakaiba nila.
Medyo brusko si Marcus at matalim ang mga mata kung tumingin. Si Marco naman ay parang laging may iniisip na kalokohan sa buhay. Serious type ang awra nitong si Marcus habang itong si Marco ay parang iyong mga typical na playboy na pinipilahan ng mga babae.
Ngunit kasabay din ng mga reyalisasyon na iyon ay ang pagbangon ng galit ko para sa kaniya. Ngayon nga ay lalo pa iyong nadagdagan dahil nahihiya ako kay Marcus. Dalawang beses ko siyang nasampal sa harap ng Mommy niya at ng kaniyang asawa. Tapos hindi naman pala siya iyong hinahanap ko. Sobrang nakakahiya talaga na parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa.
Sobrang nakakahiya kasi nabandera pa sa kanilang lahat na nagkaroon ako ng one-night stand. Buwisit na Marco ito, ang amo ng mukha pero parang hindi mapagkakatiwalaan.
“Addie, siguro naman absuwelto na ako, ‘di ba? I’m sure naiintindihan mo nang hindi ako ang gumawa noon sa iyo kung hindi itong gagong kakambal ko!” basag ni Marcus sa katahimikan. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ng kapatid pero inirapan niya lang ito.
“Sorry, Marcus. Sorry Miss–”
“Ashnea! I am Ashnea Emerald,” mabilis namang salo sa akin ng asawa ni Marcus. Narinig ko na iyong pangalan niya kanina kaya lang hindi ko masiyadong nakuha. Tumango ako sa kaniya.
“I am very sorry, Ashnea. Pasensya na kayo kung napagkamalan ko si Marcus,” halos mapayuko na ako sa hiya habang humihingi ng tawad.
“It’s alright! Kami ang dapat humingi ng tawad sa iyo dahil sa ginawa nitong siraulong kakambal ko. Babaero talaga ito saka mahilig magpaiyak ng mga babae. Kawawa ka naman at pati ikaw ay nabiktima niya!” may pang-aasar na sabi ni Marcus. Lalo namang nagdilim ang mukha ni Marco at bigla akong kinabahan dahil para nang mananapak ang hitsura niya.
“Marco, come here!” maawtoridad na utos ng Mommy nila. Napalunok naman ako nang muli siyang tumingin sa akin. Pero nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko itinago ang pagkadismaya at inis ko sa kaniya.
Bantulot siyang lumapit sa Mommy niya at saka malakas na humiyaw nang bigla siyang pingutin nito. Sa unang pagkakataon ay gusto ko sanang matawa pero pinigil ko ang aking sarili.
Ang laki niyang tao, pero para siyang maliit na batang piningot ng Mommy niya at ngayon ay namumula na ang buong mukha niya hanggang sa tenga at leeg niya.
“Mom! Why are you embarrassing me here? Isa ka pa Marcus, tatamaan ka sa akin mamaya,” banta pa niya sa kapatid kaya isang kurot na naman sa tagiliran mula sa Mommy niya ang inani niya. Hindi ko na napigilan ang lihim na mapangiti nang pagtawanan siya nina Marcus at Ashnea.
“You are in no position to warn anyone here!” sermon pa ng Mommy niya sa kaniya. Lukot pa rin ang mukha nito at hinahaplos ang bandang nakurot.
“Addie, kung gusto mong ipakulong iyang kapatid ko, sabihin mo lang. Ako mismo ang tutulong sa iyo. I will provide you the best lawyers and I will pay for everything,” agaw naman ni Marcus sa pansin ko. Naging alanganin naman ang ngiti ko.
“What the f**k are you blabbering about, Marcus? Bakit naman niya ako idedemanda? Hindi ko siya pinilit, and besides she was the one who forced me to do it!” depensa agad ni Marco sa sarili.
Nanlaki naman ang mga mata ko at umawang ang mga labi ko. Lalong tumalim ang mga mata ko nang bumaling ako sa kaniya.
“Ano’ng ibig mong sabihin, aber? Iyang laki mong iyan, ako pa namilit sa iyo? Ang kapal din ng mukha mo, ah?” asik ko agad sa kaniya. Seryoso siyang tumingin sa akin, pagkatapos ay bigla na lang ngumisi na parang aso.
“Ang ganda mo pa rin pala kahit galit ka. Parang ang sarap mong galitin lalo,” biglang sabi niya kaya napatda ako. Ngunit isang batok naman ang ipinatikim sa kaniya ng kaniyang Mommy.
“Mom! Child abuse na iyan, ah!” reklamo niya agad.
“Child abuse? Bakit bata ka ba? Magaling gumawa ng bata, puwede pa! Hindi kami nakikipagbiruan sa iyo rito, Marco. Umayos ka! Kapag nagdemanda iyang si Addie, sinasabi ko sa iyo, ako mismo maghahatid sa iyo sa kulungan!” galit nang saad ng Mommy niya. Nagkatinginan sina Ashnea at Marcus. Pareho silang nagpipigil ng tawa.
“Mom, kahit ipakulong pa niya ako ayos lang. Basta bigyan ni’yo muna kaming dalawa ng privacy para makapag-usap. Mga nangingialam kayo, eh!” katuwiran pa ni Marco. Nakasimangot na ito kasi nakailan na ang Mommy niya sa kaniya. Nakakatuwa pala kapag isang malaking tao ang kinukurot at binabatukan ng Mommy niya.
“Addie.”
Napalingon ako kay Ashnea. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.
“I’ve had the same dilemma before, Addie. Napagkamalan ko rin noon si Marco na si Marcus. At iyon ang isa sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ko,” pabulong niyang sabi sa akin. Nasilip ko bigla si Marcus na matamang nakatingin sa amin.
“Pasenya na kung pati kayo’y naabala ko,” hinging paumanhin ko naman agad. Umiling at banayad siyang ngumiti sa akin. Hinawakan pa niya ang mga kamay ko.
“Gusto ko lang malaman mo na hindi namin kukunsintihin si Marco sa ginawa niya sa iyo. Pero, Addie, hindi masamang tao si Marco. Ang kailangan ni’yo lang siguro talaga ay magkausap at magkalinawan. Don’t worry about us. Lahat ng narinig at nalaman namin dito ay hindi makalalabas at ‘di malalaman ng kahit sino,” banayad pa niyang paliwanag sa akin. Napabuntong-hininga naman ako.
“Hoy, Ash, sinisiraan mo ba ako kay Addie, ha?”
Nagulat pa kami nang biglang magtanong si Marco. Mabilis namang lumapit si Marcus sa asawa habang si Ashnea ay pinaningkitan ng mga mata si Marco.
“Don’t talk to my wife that way, kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso,” galit namang banta ni Marcus. Muli akong napalunok kasi mas nanakatakot pala ang dating niya kapag ganitong galit.
“AZ, let’s go somewhere please. Mag-usap tayo. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat. Huwag kang makinig sa mga paninira nila, okay?” biglang pakiusap niya sa akin. Hindi naman agad ako nakaimik.
“Nurse Addie, iyong favor ko, please? Sana ay huwag mong isipin iyang anak ko. May sarili akong bahay kaya hindi mo naman siya makikita kung sakali dahil may sarili rin siyang tirahan. At kung talagang hindi ka kumportable, ipagbabawal ko munang papasukin siya sa bahay ko,” maya-maya ay biglang pakikisabad ng Mommy nila. Kumunot naman ang noo ni Marco.
“You’re a nurse?” tila gulat niyang tanong.
“Malamang! Kita naman sa uniform niya, ‘di ba? Nakakahiya iyang pagkatanga mo minsan, Marco, magkamukha pa naman tayo!” angil naman ni Marcus agad sa kaniya. Muli niya itong tiningnan ng masama. Si Ashnea ay napapikit na lang. Mukhang sanay na siya sa dalawang ito.
“Teka, Mom, huwag ka munang sumingit. Isa ka pa Marcus, umalis na nga muna kayo rito? Ginugulo ni’yo lang ang lahat, eh!” reklamo ni Marco. Akmang babatukan na naman siya ng Mommy niya pero mabilis na siyang nakalayo rito.
“Ma’am Marinelle, huwag po kayong mag-alala, pumapayag naman po ako sa gusto ninyo. Kaya lang ang ospital pa rin po ang magdedesisyon tungkol doon,” paniniguro ko sa Mommy nila. Matamis itong ngumiti at tumango.
“Sasama ka na ba sa akin? Let’s go somewhere private so we could talk,” malumanay niyang tanong ulit sa akin. Pero umiling ako kaya rumehistro naman agad ang pagtataka sa mukha niya.
“Why not? Please, AZ?” dagdag pa niyang pakiusap ngunit umiling ulit ako.
“Nurse Addie, huwag kang sasama riyan. O kung mag-uusap man kayo ay iyong may ibang tao kasi hindi mapagkakatiwalaan iyang kapatid ko,” babala ni Marcus. May pilyong ngiti sa labi niya kaya marahas na nagbuga ng hangin si Marco.
“Ashnea, iuwi mo na iyang asawa mo. Kapag hindi ako nakapagtimpi, mata niya lang ang walang latay!” babala na ni Marco. Umikot lang ang mga mata ni Ashnea.
“Hindi kaya baliktad? As if naman kaya mo ako,” hindi nagpapatalong pang-aasar pa ni Marcus.
“Tumigil na kayong dalawa, please! Nakakahiya na kayo, para kayong mga bata!” inis nang saway ni Ashnea sa kanila. Sabay naman silang natahimik pero halatang asar na asar na si Marco. Si Marcus ay mapang-asar lang na nakangisi. Pero nang tingnan siya ni Ashnea ay mabilis na nabura ang ngisi niya.
“Mamayang alas-otso pa ang out ko, kaya hindi ako puwedeng umalis,” sagot ko na kay Marco. Saglit na umawang ang mga labi niya saka tumango.
“Fine. I will pick you up later.”
Tumango na lamang ako. Pero sa totoo lang biglang nablangko ang isip ko. Ngayon ay parang hindi ko na alam kung ano ang gagawin o sasabihin sa kaniya. Pero mas mabuti nga siguro kung makakapag-usap kami at malaman ko kung paano ako nauwi sa ganoong kalagayan noon.
Pagkatapos niyon ay bumalik na ako sa nursing station dahil marami pa akong ibang gagawin.
Ngunit nagulat ako noong bandang pananghalian ay biglang dumating si Marco na may dalang mga pagkain.
“Sir, para sa amin po ang lahat ng mga ito?” tanong ni Ma’am Glenda. Halatang kinikilig ito habang nakatingin kay Marco. Maging itong mga kasama kong nurse dito ay hindi rin tumitinag sa pagkakatitig kay Marco.
“Yes! This is our way of saying thank you for taking good care of my mom here,” malambing pa niyang sagot kay Ma’am Glenda. Lalo namang lumapad ang ngiti nito at biglang nagpapa-cute na sa harap ni Marco. Dalaga pa kasi itong head nurse namin sa edad na forty-four.
“Hi, AZ! Kain ka ng marami, ha? Hihintayin kita mamaya,” nakangiting baling nito sa akin kaya nagulat ako. Pero hindi na ako nakasagot pa dahil bigla na itong tumalikod at umalis na.
Nang tuluyan na siyang makaalis ay doon ko pa lang naramdaman iyong malakas na kabog ng dibdib ko. Napansin ko ring gulat na nakatingin na silang lahat sa akin. Maging ang head nurse namin ay parang hindi maipinta ang pagmumukha.
“Addie, are you flirting with that man?” taas ang kilay na tanong sa akin ni Ma’am Glenda. Mabilis naman akong umiling.
“Naku hindi po, Ma’am! Hindi ko po kilala ang lalaking iyon,” kaila ko agad. Lahat naman sila ay halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.
“Eh, bakit alam niya ang pangalan mo? Saka wala namang tumatawag sa iyo ng AZ dito, ha?” nagdududang usisa pa ni Ma’am Glenda. Lintek talagang Marco iyon! Ngayon inilagay pa ako sa alanganin.
“Ma’am, maniwala po kayo, hindi ko po kilala ang lalaking iyon,” giit ko pa rin. Hindi ito nagsalita at bumuntong-hininga lang.
“O, siya, kumain na tayo at lalamig na itong mga pagkain. Alam ni’yo na, ha? Kapag may nagtanong, sabihin ni’yo inorder natin ito sa labas,” mahigpit niyang bilin sa amin. Halos sabay-sabay naman silang nag-‘yes ma’am’ sa kaniya.
Isa kasi sa mga policy ng ospital na ito ay huwag na huwag tatanggap ng anumang regalo o pabor mula sa mga pasiyente o sinumang miyembro ng pamilya ng mga pasiyente.
Bandang hapon ay ipinatawag ako sa office. Naabutan ko roon sina Ma’am Marinelle at ang mag-asawang Marcus at Ashnea. Magalang akong tumango sa kanila bilang tugon sa ngiti nila sa akin. Kasunod ko namang dumating si Ma’am Glenda. Tipid akong ngumiti sa kaniya pero tinanguan lang niya ako.
Pero lumiwanag ang mukha niya nang mapatingin siya sa gawi ni Marcus. Mukhang napansin din iyon agad ni Ashnea kaya agad siyang tinaasan nito ng kilay. Mabilis namang nagbawi ng tingin si Ma’am Glenda at halatang napahiya.
“As an administrative officer of this hospital, I wanted to grant your request, but we have a policy to follow. Kailangan ito para mapanatili ang kredibilidad at magandang reputasyon ng aming ospital.”
Bigla ay paliwanag ni Mr. Lagdameo. Agad namang bumaha ang pagtataka sa mukha ni Ma’am Glenda.
“Sir, ano po ba’ng nangyayari rito?” magalang na tanong nito. Nilingon naman siya agad ni Mr. Lagdameo.
“Well, they are requesting Miss Delgado to be Madame Del Mundo’s private nurse for three months. Pero nang tingnan ko ang records niya, six months pa lang siyang nagtatrabaho rito. Kaya hindi pa siya qualified sa private nursing duty na ino-offer ng ospital natin,” pormal na paliwanag ni Sir Lagdameo. Tumango-tango naman si Ma’am Glenda.
Kita ko naman ang iritasyon sa mukha ni Ma’am Marinelle at maging ang mag-asawa ay halatang hindi rin natutuwa sa narinig nila.
“Ah, yes po, Ma’am. Ang pinapayagan lang po ng hospital for private nursing duty ay iyong may mga two years pataas na ang experience. Kung gusto ni’yo po, ako na lang. Puwede rin naman po ako kung sakali,” presenta agad ni Ma’am Glenda sa sarili niya. Lalo namang umasim ang mukha ni Ma’am Marinelle.
“Ako ang magbabayad, at ako rin ang nakasaksi kung gaano ka-hardworking, kamaalaga at kabait itong si Nurse Addie. I only want her to be my private nurse, or else, sa ibang hospital na lang kami mag-a-avail ng services in the future! One more thing, I’m sure you will know the consequences of this,” matigas na giit naman ni Ma’am Marinelle.
Ilang beses akong napakurap at napalunok dahil umawang ang mga labi ni Mr. Lagdameo. Maging si Ma’am Glenda ay pansin kong nainis ngunit mabilis lang niya iyong naitago.
“Pero Ma’am, kasi–”
“Baka nakakalimutan ninyo kung sino ako. I am one of the shareholders of this hospital. Kaya kung si Miss Addie ang nurse na gusto ko, siya ang kukunin ko. Saka paano namang masisira ang reputasyon ng ospital? Kahit kailan lang iyang si Nurse Addie, hindi mo iisiping ganoon. Napakagaling niya sa kaniyang trabaho. At halos lahat ng mga nakasalamuha kong pasiyente rito ay pareho ang impression nila sa assessment ko sa kaniya,” mahabang pahayag pa ni Ma’am Marinelle. Walang nakapagsalita kina Sir Lagdameo at Ma’am Glenda. Nagkatinginan pa sila bago sumusukong tumango si Sir.
Pero nagulat ako dahil hindi ko akalaing may kaugnayan pala dito sa ospital si Ma’am Marinelle. Akala ko mayaman lang talaga sila kasi palagi siyang nasa VIP suite. Iyon pala ay isa siya sa mga shareholders. Kahit hindi ko masiyadong alam ang ibig sabihin no’n, basta ang alam ko, bigating tao rin siya dito sa osipital.
“Alright, Ma’am. Pero papipirmahin ko po kayo ng waiver na kayo ang nag-insist na kunin si Miss Delgado as your private nurse kahit kulang pa siya sa required experience,” pagpapapatuloy pa ni Mr. Lagdameo.
“That’s no problem with me.”
Muling ngumiti sa akin si Ma’am Marinelle pagkasabi niyon. Kahit nahihiya ako at kanina pa parang iginigisa habang nakikinig sa kanila ay ngumiti pa rin ako sa kaniya.
Sa huli ay pumirma na ako ng three-month contract bilang private nurse ni Ma’am Marinelle. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na sila. Bukas pa ako magsisimula at doon muna ako pansamantalang titira sa bahay niya. Ang ipakikiusap ko na lang siguro ay kung puwede akong makauwi sa amin sa Cavite kahit isang beses lang kada linggo.
“Ang galing, ha? First time nangyari ito sa ospital. Ano’ng gayuma ang ginamit mo doon sa matanda at mukhang naging paborito ka niya?” sarkastikong tanong ni Ma’am Glenda nang makabalik na ako sa station.
“Wala naman po akong ginamit na gayuma. Saka–”
“Sinungaling! Isang araw ka lang na-assign doon samantalang si Venus ang talagang nurse na nag-aasikaso sa kaniya. So, paanong mas ikaw ang gusto niya?” putol niya agad sa akin. Bigla naman akong kinabahan. Ramdam ko kasing galit siya sa akin samantalang wala naman akong ginagawang masama.
“Ma’am wala po talaga akong ginawa. Baka po naaawa lang sa akin kasi naikuwento ko po sa kaniya iyong nangyari sa mga magulang ko at kuya ko noong bata pa ako,” paliwanag ko. Maging ang mga kasamahan ko rito maliban kay Julie ay tila hindi maganda ang tingin sa akin. Mga pasipsip pa naman kay Ma’am Glenda ang mga ito.
“So iyon naman pala. Nagpaawa ka, kaya naawa naman sa iyo si Madame. Ang galing mo rin, eh, ano? Kabago-bago mo pa lang, pabida ka na agad. Congratulations! Mas gumaan ang trabaho mo, mas malaki pa ang kikitain mo!” asik pa nito sa akin saka nagmamartsang tumalikod na paalis. Para naman akong maiiyak sa pagkapahiya sa ginawa niya. Pinagalitan at pinagsalitaan niya ako ng gano’n sa harap ng mga kasama ko. Sana naman iyong dalawa lang sana kami para naman hindi ako napahiya ng ganito.
Hanggang sa oras ng out ay dama ko pa rin ang sama ng loob. Mabuti na nga lang talaga at tatlong buwan ko siyang hindi makikita. Napabuntong-hininga na lamang ako nang kunin ang bag ko at tunguhin ang biometrics para mag-out.
“Addie! Uwi ka na?”
Napalingon ako kay Julie. Kahit masama ang loob ko ay napangiti pa rin ako sa kaniya. Siya lang din ang kakampi ko rito mula pa noong bagong pasok ako.
“Malungkot ka pa rin? Huwag mo nang pansinin si Ma’am Glenda. Inggit lang sa iyo iyon kasi hindi siya ang kinuha. Alam mo ba, dalawang beses pa lang naging private nurse iyan. Iyong huli pa ay hindi natapos ang kontrata dahil inayawan na siya ng kliyente,” pabulong niyang chika sa akin. Namilog naman ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala.
“Talaga? Pero hindi naman iyon ang ikinasasama ng loob ko. Nasaktan ako na sinermonan niya ako at ininsulto sa harapan ninyo. Hindi ba, ang mabuting lider itatama tayo sa tamang paraan. Hindi iyong gano’n, namamahiya sa harap ng iba. Hindi lang niya alam kung gaano kabigat iyon sa pakiramdam lalo na sa isang baguhang tulad ko,” malungkot kong pag-amin sa kaniya. Maging siya ay lumungkot din ang mukha.
“Huwag mo nang pansinin. Mabuti nga at makakatakas ka sa kaniya ng ilang buwan. Sana all na lang talaga,” natatawang komento naman ni Julie. Nahawa na rin ako sa tawa niya.
“Halika na, kain tayong Samgyeopsal. Tapos sabayan natin ng Soju para ma-relax tayo,” yaya niya sa akin. Nabura naman agad ang ngiti ko.
“Hindi pa ako puwedeng umuwi. May hinihintay pa akong tao, eh,” tanggi ko naman. Nanghihinayang ako kasi parang gusto ko ring mag-Samgyeop at Soju.
Ngunit nang muli ko siyang tingnan ay may pagdududa na siyang nakatingin sa akin.
“Baka naman may date ka at ayaw mo lang sabihin sa akin, ah?” may pang-aasar niyang tanong sa akin. Umikot naman ang mga mata ko saka napapailing na lang ako sa kaniya.
“Umuwi ka na nga! Puro ka kalokohan,” taboy ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako saka nagpaalam na.
“Hi, Addie! Pauwi ka na?”
Napangiti naman agad ako nang makita ang paparating na si Dok Dominic Trajano. Naka-slack ito ng gray at itim na polo shirt. Halatang pagod pero ang fresh pa ring tingnan. Napapalingon ka kahit iyong mga nadadaanan niya. Crush na crush din siya ni Julie.
Si Dok Nic ang literal na crush ng bayan. Guwapo, matangkad at ang pinakasikat na anesthesiologist hindi lang dito sa MMC kung hindi kahit sa labas ng ospital.
Galing din siya sa mayaman at prominenteng pamilya ng mga doktor, pero Nakagawa siya ng sarili niyang pangalan dahil na rin sa mga hindi malilimutang operasyong nagawa na siya. Maliban kasi sa pagiging anesthesiologist niya ay isa rin siyang neurologist. Kaya sa edad na 39 ay talagang marami ang labis na humahanga sa kaniya.
“Good evening po, Dok!” bati ko naman sa kaniya.
“Uuwi ka na ba? Hatid na kita,” alok niya sa akin.
“No! Ako ang maghahatid sa kaniya!”
Napasinghap naman ako nang makarinig ng isang malalim at baritonong boses mula sa slikuran ko. Pansin ko naman agad ang pagseryoso ng mukha ni Dok.
“And who are you?” paangil na tanong ni Dok sa kaniya kaya napalunok ako. Mabilis na mabilis ang t***k ng puso ko.
“None of your business!” pabalang namang sagot ni Marco at hinawakan na ang kamay ko. “Let’s go, AZ!”
“Teka! Bakit mo siya hinahawakan? Sino ka ba talaga?” galit ng tanong ni Dok Nic. Lalo lang akong kinakabahan kasi ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito.
“I’m her boyfriend! Satisfied?” matapang na sagot naman ni Marco kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Is it true, Addie?” gulat na tanong ni Dok.
Ngunit hindi na ako nakasagot dahil hinila na ako ni Marco palabas ng lobby ng ospital. Nang lingunin ko si Dok Nic ay kitang-kita ko ang matatalim niyang mga mata habang sinusundan ng tingin si Marco.
Noong marating na namin ang parking area ay mabilis kong binawi ang kamay ko. Nabigla naman si Marco sa ginawa ko pero wala akong pakialam.
“Bakit mo sinabi iyon?” asik ko agad sa kaniya. Ngunit naningkit naman ang mga mata niya sa akin.
“At bakit? Boyfriend mo ba iyon?” ganting tanong naman niya.
“Walang kang pakialam!” angil ko saka siya inirapan.
“Kung gano’n, alam ba niyang ako ang nakauna sa iyo at–”
Agad kong tinakpan ang bibig niya saka natatarantang tumingin sa paligid. Baka kasi may makarinig ng sinasabi niya, nakakahiya talaga!
Ngunit mabilis ko ring binawi ang kamay ko dahil bigla niya iyong dinilaan. Tila may libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko dahil sa ginawa niyang iyon.
“Bakit ba napakabastos ng bibig mo? Mamaya may nakarinig sa iyo!” gigil kong sumbat sa kaniya. Pero nanlaki ang mga mata ko nang ngisian niya lang ako.
“Why? I am so proud that I am your first. Besides–”
“Marco!” may pagbabanta na sa boses ko kaya natawa naman siya.
“Fine! Sumakay ka na at kumain muna tayo,” yaya niya sa akin.
“Ayaw ko!” inis na tanggi ko naman.
“Sasakay ka o hahalikan kita rito?” banta naman niya. Napamulagat ako dahil walang halong pagbibiro sa mukha niya. Sa takot na baka gawin niya ang kaniyang banta ay mabilis na akong sumakay sa sasakyan niya.
Nakahalukipkip ako habang nakabusangot. Sinundan ko siya ng tingin habang papunta sa driver’s seat. Ngunit nang makasakay na siya ay doon lang ako sa labas nakatingin. Hindi ko siya pinapansin.
“Do you know how much I wanted to see you again?”
Napalingon naman ako sa kaniya nang marinig ang seryoso at namamaos niyang boses.
“Bakit?” mahinang tanong ko naman. Pero ngumiti lang siya at umiling.
“I don’t know. I just couldn’t forget you,” mas seryoso niyang tugon kaya napalunok ako. Titig na titig siya sa mukha ko at biglang-bigla ay parang uminit ang paligid. Tumikhim ako kasi ang awkward.
“S-saan ba tayo pupunta? Hindi kasi ako puwedeng gabihin,” basag ko sa katahimikan. Hindi agad siya gumalaw at pirmeng nakatitig lang sa akin. Pagkatapos ay bumuntong-hininga at humarap na sa manibela. Doon lang din ako nakahinga ng maluwag pero naghuhuramentado pa rin ang dibdib ko.
Dinala niya ako sa isang napaka-class na restaurant. Kaya noong papasok na sana kami sa main entrance ay napahinto agad ako sa paglalakad. Nagtatakang nilingon naman niya ako.
“What’s wrong?” nabibigla niyang tanong.
“Bakit dito tayo? Sobrang sosyal. Hindi bagay itong suot ko,” pag-aatubili ko. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa.
“Wala namang problema sa suot mo. Saka sa ganda mong iyan, sila ang dapat mahiyang tumabi sa iyo!” pagbabalewala niya sa pag-aalala ko. Para pa akong nakuryente nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at banayad na akong hilahin.
“Marco…” may pag-aalalang tawag ko sa pangalan niya.
“Fine. Saan mo gustong pumunta kung hindi dito? Saka sa VIP room naman tayo kaya walang ibang makakakita sa iyo roon,” paliwanag niya.
Sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi pagbigyan siya. Palihim kong sinisipat ang buong lugar. Napakasosyal ng dating. Iyong lahat ng dingding ay puro salamin na estante at doon nakadisplay ang iba’t ibang mga uri at brand ng mga alak. Sa kada anim na bilog na lamesa ay may magandang chandelier na nakabitin sa gitnang tapat nila. Sa bandang kaliwa naman ay may isang lumang orasan na kasinglaki ng cabinet at halatang luma na ngunit nakadagdag pa lalo sa kagandahan ng lugar. May magaganda at sariwang bulaklak sa gitna ng bawat lamesa.
“AZ, dito tayo.”
Naagaw naman ang pansin ko nang tawagin na ako ni Marco. Huli kong sinilip ang mga kumakain. Mga naka-formal gown pa iyong mga babae. Nagmukha tuloy akong hampaslupa rito lalo.
At mas na-amaze pa ako nang makapasok na kami sa VIP room. Maluwang iyon at may malaki at halos pabilog na sofa. Abuhin ang kulay nito at ang center table naman ay salamin. May sariwang mga bulaklak din sa gitna niyon at pagtingla mo ay ang magarang chandelier na katamtaman lang ang laki.
“Do you like this place?” narinig kong tanong niya. Hindi ko siya tiningnan pero tumango ako. Nakatunghay kasi ako doon sa painting ng babaeng ang kalahati ng mukha at kalahatin g katawan ay puro mga bulaklak. Ang ganda-ganda!
Ngunit napakislot ako nang maramdaman kong tumabi siya sa akin at pumulupot ang isang braso niya sa baywang ko. No!