Third Person POV
Humahangos na lumabas si Ashnea na hilam ng luha ang mga mata niya. Sa unang pagkakataon mula nang ikasal sila ni Marcus ay ngayon lang talaga siya nagselos ng ganito.
Nang makita niya ang sakit at galit sa mga mata ng babaeng umaakusa sa asawa niyang gumalaw rito ay parang kinukurot ang puso niya. Wala siyang makitang ni katiting na pagsisinungaling sa mukha at tono nito habang umiiyak.
“Baby, please, wait for me. Let me explain!” lalo siyang naiyak at mariing napapikit. Hindi niya pinansin si Marcus at ipinagpatuloy lang ang pagtakbo. Ngunit bago pa siya tuluyang makasakay sa elevator ay naramdaman niya ang mga kamay ni Marcus sa braso niya.
“Ash, naniniwala ka ba talaga sa babaeng iyon? Hindi ko magagawa ang ibinibintang niya. Alam ko malibog ako pero kahit kailan, hindi ako mananamantala ng isang babae. Ni maging ang maakit sexually sa iba ay hindi ko kaya dahil alam mo naming mahal na mahal kita, ‘di ba? Please, baby, maniwala ka. Hindi ko ginawa ang sinasabi niya,” patuloy na pagsusumamo pa niya. Tiningnan ko siya sa mukha at hinayaan lang ang mga luha kong ayaw magpapigil.
“Three years ago daw iyon. Iyon din ang mga panahong sobra akong nade-depress dahil hindi ako magkaanak-anak. Na kahit ipinakikita at ipinararamdam mo sa akin na sapat na ako ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi ma-insecure. Besides, kung pagbabatayan natin ang hitsura ng babaeng iyon, halata naming hindi siya nagsisinungaling. Actually, I felt sorry for her,” diretsahang pahayag ni Ashnea.
Napahilamos naman sa mukha si Marcus saka marahas na bumuga ng hangin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Ashnea at mata sa mata itong tinitigan.
“Love, you know me very well. And I hope you also knew how much I love you. Kaya kahit anong panahon pa iyan hinding-hindi ako gagalaw ng ibang babae. Isa pa, lasing na lasing daw siya noon kaya paano siya nakakasiguro na ako iyon. Saka–”
Napahinto siya sa pagsasalita at tila may isang bagay na napagtanto. Napansin naman agad iyon ng asawa niya.
“Bakit?” nalilitong tanong ni Ashnea.
“f**k! Hindi kaya…” kunot ang noong usal nito sa sarili. Maging si Ashnea ay lalong kumunot ang noo.
“Marcus, ano’ng nangyayari?” usisa pa ng asawa niya. Tumingin ito sa kaniya na tila nahihiwagaan ngunit bakas ang ideyang pumasok sa isipan niya.
“I didn’t mean to bring back our sad past, but can you still remember when you thought that Marco was me?” seryosong tanong nito.
Agad namang namula si Ashnea at nag-iwas ng tingin.
“Siyempre! Paano ko naman makakalimutan iyon? Minsan nga naaasiwa ako kapag naalala ko iyon lalo at alam nating pareho kung gaano kasalimuot iyon. Pero ano’ng koneksyon no’n sa pinag-uusapan natin?” bakas pa rin ang pagtatampo sa tinig niya nang magtanong.
Ngunit agad din iyong nasundan nang pag-awang ng mga labi niya nang ma-realize ang ibig abihin ng asawa. Nagkatinginan sila at parehong kumabog ang mga dibdib.
“Si Marco!” sabay nilang naibulalas.
Mabilis namang kinapa ni Marcus ang bulsa at nang masigurong naroroon ang cellphone niya ay agad iyong inilabas at tinawagan ang kakambal.
“This f*****g bastard! Kahit kailan talaga sakit sa ulo!” inis pang komento ni Marcus at napahilot pa sa sentido niya. Nakatatlong ring lang ay sinagot na ng kapatid ang tawag niya.
“Marco, nasaan ka ngayon?” galit agad niyang tanong dito. Hindi lang niya maiwasan dahil muntik na silang mag-away na mag-asawa. Besides, alam niyang nasaktan din si Ashnea dahil nga talagang umiyak ito kanina. Basa pa nga ang mga pilikmata nito kahit huminto na sa pag-iyak.
“Why? May board meeting ako ngayon, istorbo ka!” asik naman ni Marco sa kakambal niya. Naningkit ang mga mata ni Marcus at halos maggalawan ang mga butas ng ilong niya dahil sa dagdag na inis.
“Pumunta ka ngayon dito sa ospital, gago! Muntik pa akong madamay sa mga katarantaduhan mo!” galit naman niyang utos dito.
Sa gulat ay napatingin pa si Marco sa screen ng cellphone niya at kunot ang noong ibinalik iyon sa tabi ng tainga niya.
“Bakit? Ano ba’ng nangyari? Hindi pa ba makakalabas si Mommy ngayon?” nagtatakang tanong niya.
“We have a situation here and it’s not about Mom! Pumarito ka na agad, ngayon din!" mariing utos niya at pinatay ang tawag. Hinawakan niya ang kamay ni Ashnea at banayad itong hinila.
“Let’s go, baby! We need to talk to that nurse again,” yaya naman niya sa asawa. Noong una ay natigilan pa ito ngunit kalaunan ay tumango rin at sinunod na lamang si Marcus.
Addie’s POV
“Nurse, Addie, kumalma ka muna,” banayad na pakiusap sa akin ni Ma’am Marinelle. Hindi ko mapigil-pigil ang paghagulgol mula pa kanina. Imbes na siya ang inaasikaso ko ay ako pa ngayon ang inaalalayan niya patungo sa sofa. Kaya ngayon ay magkatabi na kaming nakaupo roon.
“Hija, hindi naman sa hindi ako naniniwala sa iyo. Pero maaari mo bang ikuwento sa akin ang lahat? Paano ka nakasisigurong ang anak ko nga ang nanamantala sa iyo? Huwag kang mag-alala, kasi kung totoong ginawa niya iyon ay hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong siya,” malumanay nitong tanong. Suminghot ako at pinahid ang mga panibagong luhang lumandas sa pisngi ko.
“Second year high college po ako noon sa Pampanga. Nagkasayahan po kaming mga magkakaibigan sa ibang bar hanggang sa malaman kong may ibang babaeng dinala ang dati kong nobyo sa hotel na iyon. Hindi ko rin po talaga maunawaan kung bakit ko pa sila sinugod noon gayung puwede namang hayaan ko na lang sila, lalo at nakikipaghiwalay na rin ako kay Lester noon. Ngunit pagkatapos ay wala na po akong maalala sa sumunod na pangyayari. Nagising na lamang po ako kinabukasan na hubo‘t hubad, masakit ang buong katawan at puno ng mapupulang marka ang iba’t ibang bahagi ng katawan ko. Kahit nagmamadali po akong makaalis sa silid na iyon dahil sa matinding takot at paghihinagpis sa pagkawala ng puri ko ay tinitigan kong mabuti ang mukha ng lalaking nakasama ko sa hotel room na iyon. Kaya sigurado po akong si Marcus iyon, Ma’am. Hindi ko lang po talaga naharap na hanapin at kumprontahin siya dahil sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa buhay ko po noon,” mahabang pagsasalaysay ko. Ilang beses na napasinghap ang matanda at talagang napapadilat pa ang mga mata.
Napuno rin ng pag-aalala ang mukha niya para sa akin habang naman ako ay patuloy lang sa pag-iyak.
“Huwag kang mag-alala, hija, ako mismo ang aasikaso sa nangyaring ‘yan. Gusto mo bang idemanda ang anak ko kung sakali?” tanong pa niya sa akin. Kahit umiiyak ay umiling ako.
“Hindi po. Kasi hindi ko na rin naman po maibabalik ang mga pangyayari. At base sa nararamdaman ko noon, batid kong hindi naman niya ako pinilit. Ngunit gusto ko lang pong humingi siya ng tawad sa ginawa niya. Magpaliwanag siya kung bakit niya iyon nagawa at kung bakit wala man lang akong maalala na kahit ano,” matapat kong tugon. Malungkot naman siyang tumitig sa akin at hinaplos pa nga ang pisngi ko.
“Alam mo ba, kaya kita ipinatawag dito ay hindi dahil sa hiling ng anak ko kung hindi sa hiling ko. Ngunit dahil sa nangyaring ito ay labis-labis na akong nahihiya sa iyo, Addie,” nalulungkot naman niyang pahayag. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.
“Ano pong ibig ninyong sabihin, Ma’am?” naguguluhang taong ko. Ngumiti naman siya ngunit mababanaag pa rin ang lungkot at guilt sa mga mata niya.
“Gusto kasi ni Marcus na magkaroon ako ng personal nurse na siyang mag-aasikaso sa akin at titingin sa pang-araw-araw kong kalusugan. At ikaw sana ang gusto kong kunin, Addie. Kaya lang, ngayon pa lang ay nahihiya na ako sa iyo. Nagustuhan ko kasi ang kasipagan at dedikasyon mo sa trabaho mo rito. Maging ang ibang mga pasiyente ay wiling-wili sa iyo, dahil maliban sa napakaganda mo ay napakabait mo pa. Mahinahon at matiyaga ka sa lahat kahit nakikita kong minsan ay may mga pasiyente o kamag-anak ng pasiyente ang mahirap pakisamahan,” patuloy nitong papuri sa akin. Napayuko naman ako at nahihiyang ngumiti sa kaniya.
“Maraming salamat po, Ma’am. Papayag naman po ako kung gusto ninyo akong kuning personal nurse ninyo. Labas naman po kayo sa kasalanan ng anak ni’yo sa akin,” sagot ko naman.
Ngunit hindi siya nakasagot nang biglang bumukas na muli ang pintuan ng silid niya. Tumutok agad sa amin ang mga mata ng mag-asawa. Ngunit hindi gaya kanina, mas magaan na ang mga awra nila. Ngunit ako ay nagpupuyos pa rin ang kalooban dahil kay Marcus.
Una sa lahat, may asawa siyang tao, tapos gagalaw pa siya ng ibang babae? Ang ganda-ganda at sobrang sexy na nga ng asawa niya ay hindi pa rin ito nakuntento. At pangalawa, lasing ako noon. Sana naman ay siya na ang nagpigil sa sarili at isinaalang-alang na lang na wala ako sa tamang huwisyo kaya siguro niya ako napapayag. At pinakahuli sa lahat, nasaktan ako nang itanggi niyang kakilala niya ako o aminin man lang ang nangyari sa amin.
“Huwag mo na akong tingnan ng masama. Ngayon ay sigurado na akong hindi ako ang nakagalaw sa iyo!” bungad agad ni Marcus dahil sa masamang tingin ko sa kaniya.
“Ano’ng ibig mong sabihin, Hijo?” si Ma’am Marinelle ang nagtanong.
“Mom, I think napagkamalan lang ako ng babaeng iyan. Papunta na po si Marco rito,” agarang sagot naman ni Marcus.
“Teka, ano’ng nangyayari? Ano’ng ibig mong sabihing napagkamalan?” nalilitong tanong ko. Kahit ang mommy niya ay kunot ang noong nakatunghay sa kaniya at naghihintay ng sagot.
“Son, are you saying that it was Marco who did it to her?” gaya ko ay naguguluhan din si Ma’am Marinelle nang magtanong.
“Yes, Mom! Ang sabi ng babaeng iyan–”
“Addie. Her name is Addie, Marcus,” tila may panenermong putol ng mommy niya sa kaniya. Lihim namang napangiti iyong asawa ni Marcus habang siya ay napakamot sa ulo niya.
“Fine! Addie said, that thing happened to her three years ago. Naalala ko lang ang show na inisponsoran ni Marco sa Pampanga three years ago. Now I could understand why she was mistaken,” dahan-dahang paliwanang naman ni Marcus.
Imbes na maliwanagan ay lalo namang lumabo ang lahat sa akin.
“Wait lang, Marcus. Kung ayaw mong aminin ang ginawa mo sa akin, hindi mo na kailangang gumawa ng kuwento. Isa pa–”
“He’s telling the truth, Addie,” biglang singit ni Ashnea. Nabaling naman ang atensyon ko sa kaniya at patdang tiningnan siya.
“I know how it feels, Addie, dahil nangyari na rin sa akin iyan. Napagakamalan kong si Marco si Marcus noon. And I think, gano’n din ang nangyari sa iyo. May kakambal ang asawa ko, at Marco ang pangalan niya. He’s on his way here now. At malilinawan ka rin sa lahat ng ito. I really wish I had this early opportunity before.”
Biglang lumungkot ang boses niya kaya napatitig ako sa kaniya. May kakambal itong si Marcus, at Marco daw ang pangalan. Bakit bigla akong kinabahan sa pagkakabanggit ng pangalan niya?
Bago pa man ako muling makapagsalita ay bumukas na ang silid at mula roon ay bumungad ang isang napakaguwapong lalaking kasingtangkad at kamukhang-kamukha nga ni Marcus.
Ngunit mas makinis ang mukha nito dahil walang bigote at balbas. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko na maialis ang tingin ko sa kaniya. Ngunit wala sa akin ang atensyon niya kung hind sa kapatid niya.
“What the hell, Marcus? Alam mo ba kung gaano kalaking project ang pinagmi-meeting-an naming ngayon? Ano bang kailangan mo?” asik nito agad sa kakambal. Ako naman ay nanatiling parang natuka ng ahas habang nakatitig lang kay Marco.
Now I could feel something strange. Bumilis nang bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko maintindihan ang nararamdaman habang wala sa sariling nakatutok lang ang pansin ko sa kaniya.
“Dalawang beses akong nasampal, gago, dahil sa iyo!” nagsalubong naman agad ang mga kilay nito.
“Explain yourself, Marco. Addie is here, waiting for your reason,” pormal at seryosong pahayag naman ng Mommy nila.
Doon naman ako napalunok ng dalawang beses nang mabaling ang atensyon nilang lahat sa akin. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang panlalaki ng mga mata ni Marco nang dumako na ang paningin niya sa akin.
Ilang beses siyang kumurap at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Lalo namang kumabog ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. Kakaibang lambong ng kalungkutan at kasabikan ang nakita ko sa mga mata niya.