“Ma’am, hindi ko po gustong itago ang mga bata. Hindi ko rin naman po alam na magkikita pa kami ulit ni Marco,” mabilisan at kinakabahang paliwanag ko. Bigla akong natakot dahil baka magalit sila sa akin na hindi ko ipinakilala sa kanila ang anak namin ni Marco. Umiling naman siya at kahit lumuluha ay nakangiti pa rin. Bumugso pang muli ang mga luha ko. “May balak ka bang sabihin sa kaniya ang tungkol sa mga bata?” natanong nito. Ako naman ang ngumiti at tumango. “Gusto ko po sana siyang sorpresahin sa birthday niya. Ma’am, alam ni’yo po ba, kanina ko lang po nalaman na magka-birthday pala ang mga anak ko at si Marco,” nasisiyahang saad ko. Lalong lumuwang ang ngiti ni Ma’am Marinelle at sabay pa kaming nagpahid ng mga luha namin. Kitang-kita ko ang kagalakan sa mukha niya kaya nakahin

