Papalapit na sa kinaroroonan namin sina Marco at Marcus. Pero muli ay madilim ang mukha ni Marco at matalim na naman ang mga mata. Nakakunot lang ang mukha ko kasi nakangiti lang siya kanina, ngayon parang nag-aalburutong bulkan na naman. Mabilis na hinapit ni Marco ang baywang ko nang ganap na silang makalapit sa puwesto namin. “Why are you staring at him for too long? Hindi ba sabi ko sa akin ka lang tititig nang matagal?” pabulong na tugis sa akin ni Marco. Napalunok naman ako at pinigilan ang sariling irapan siya. Abala na sa pag-uusap-usap sina Marcus, Charles, Ashnea at Kristine kaya hindi nila masiyadong napansin ang puwesto namin ni Marco. “Hi, Marco! I heard on our way here that you just created a scene before the party started,” may pang-aasar na baling ni Charles kay Marco.

