“Let go of her right now or I will break your f*****g arm!” Imbes na gawin ang sinabi ni Marco ay umakbay pa sa akin si Dominic kaya lalo lang akong kinabahan. Malalaki ang mga hakbang na lumapit si Marco sa kinaroroonan namin. Hindi maipinta ang madilim niyang mukha at damang-dama ko ang galit niya. “Ah…” daing ko nang walang babala niya akong hilahin palapit sa kaniya. Tumama pa ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa lakas ng pagkakahatak niya sa kamay ko. “And who are you to tell what should we do? The last time I checked, wala ka namang anumang kaugnayan kay Addie,” galit na ring sumbat ni Dominic at akmang babawiin ako mula kay Marco pero mabilis akong itinago ni Marco sa likuran niya. Muntik pa nga akong matapilok dahil sa sapatos na suot ko. “Marco, ano ba’ng ginagawa mo? Huwag ka

