Kinabukasan, maaga siyang bumangon. Naligo na siya at nagbihis. Dahil wala siyang damit na maisusuot, kumuha siya ng T-shirt ni Gavin. Mahaba naman iyon dahil matangkad si Gavin, kaya sakto lang na natatakpan ang suot niyang undies. "Bakit kasi kailangan pa niyang itago ang mga gamit ko?" bulong niya habang nagsusuklay ng buhok at pinagmasdan ang sarili sa salamin. No makeup, just a natural look, pero maganda pa rin siya. Napangiti siya dahil hindi na niya kailangang mag-effort sa makeup. May natural na ganda ang mukha niya. Sinulyapan niya ang mga binti na kumikinang sa kaputian at napangiti siya. "Baka this time, hindi na makakatanggi si Gavin," sabi niya habang tinitingnan kung gaano siya kaganda sa puting T-shirt ni Gavin. Pagbaba niya, nagtuloy siya sa kusina at naghand

