Gavin-16

1322 Words

Matapos ang almusal, nilibot siya ni Gavin sa buong isla. T-shirt pa rin nito ang suot niya — oversized, maluwag, at halos umabot sa gitna ng hita niya. Hindi na siya nag-abalang magbihis o magsuot ng bra. Gusto niyang panindigan ang akusa ni Gavin kanina: na gusto niya itong akitin. At totoo naman. Gusto niya talagang akitin si Gavin. Gusto niyang may mangyari na sa kanila. Ilang araw na ang lumilipas, pero ni singko wala pa rin siyang naibabalik sa lalaki. Isang buwan lang ang kontrata nila. Isang buwan lang ang pananatili niya sa isla kasama ito. Kailangan may mangyari na sa kanila bago matapos ang deadline, para mabayaran niya ang sampung milyon na inabono nito para sa kanya. Natatakot siya. Paano kung lumagpas ang isang buwan at wala pa rin siyang naibabayad?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD