Gavin-4

1030 Words
Kinabukasan, maaga siyang nagising. Uuwi siya ng San Miguel. Doon daw kasi gustong makipagkita ni Mr. Pangilinan sa kanya. Nakainis pa, dahil sa VincElla Hotel pa. Paano kung may makakilala sa kanya roon? Paano kung makita sila ni Mr. Pangilinan ng mga kakilala niya? Sabihin pang pumapatol siya sa matanda. Well, iyon naman ang totoo. Halos dalawang oras din ang biyahe niya dahil ma-trapik at hindi siya nakaiwas. Pagdating sa bahay, kaagad siyang sinalubong ng mga kapatid at mga magulang dahil biglaan ang pag-uwi niya. Nang makakuha ng tyempo, sinabi niya sa Mommy niya na maibibigay na niya ang kalahating bayad kay Mr. Crisostomo ngayong araw. Napaluha ang Mommy niya at niyakap siya nang mahigpit habang umiiyak. "Mommy, baka makita tayo ni Daddy niyan," umiiyak din na bulong niya. "Thank you so much, Ellise, for doing all these things for our family." "Mommy, I can do anything for us," sagot niya at lalong naiyak ang ina. Totoo iyon. Basta para sa pamilya niya, wala siyang hindi gagawin. "Anyway, where did you get the money?" biglang tanong ng ina. Kumalas siya mula sa yakap at naglakad papunta sa ref para kumuha ng tubig. "Nag-loan ako sa agency ko. Kaya baka aalis din ako mamaya. They gave me a 1-month full-time work," pagsisinungaling niya. Iyon naman ang totoo — 1-month siyang magtatrabaho kay Mr. Pangilinan. Sa kama nito. "That's great, anak. Basta tumawag ka araw-araw para hindi kami nag-aalala sa'yo." "Yes po, Mommy," sagot niya at inabutan ng tubig ang ina. Matapos silang mag-usap, lumabas siya ng bakuran at pinagmasdan ang katamtamang laki ng bahay nila. Dalawang palapag at may pagka-moderno ang gawa. May limang kwarto sa itaas — tig-iisa sila at isang guest room. May malaking library sa baba at isang maid's room sa likod. Malawak pa ang bakuran nila. Sabi ng Daddy niya, kaya malaki ang lupang binili nito para sa kanila ay para pag nagkapamilya na silang tatlo, doon na rin sila magpatayo ng mga bahay. Para kahit papano, sama-sama pa rin daw sila kahit may kanya-kanya na silang pamilya. Naluha siya. Paano kung hindi niya nagawan ng paraan ang bahay at lupa nila? Ang tanging pamana ng Daddy nila sa kanila? Ano ang mararamdaman ng Daddy niya? "Ellise?" tawag ng Daddy niya. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya. "Dad." "Ang lalim yata ng iniisip mo, hija?" tanong nito. Malakas na ang Daddy niya. Nagagawa na nito ang mga dati niyang ginagawa, basta nakakapag-gamot lang. "Daddy," anas niya at niyakap ito. "Na-mimiss ko lang po na andito ako, kasama kayo, at nakikipag-away sa dalawang makukulit na iyon," sagot niya at nginuso ang dalawang kapatid na papasok ng gate. "Ate!" tili ni Elvie, ang bunso niyang kapatid na nasa high school na rin. Niyakap siya ng dalawa. Halos dalawang linggo na yata niyang hindi sila nakikita. "Surprise visit, eh," biro ni Evan, ang sumunod sa kanya na 1st year college na. Parehong sa San Miguel nag-aaral ang dalawa. At nagagawan naman niyang kayanin ang lahat ng gastusin kahit siya lang ang nagtatrabaho at limang apartment na paupahan lang ang inaasahan nila. Basta sa pamilya, kakayanin niya lahat. Kinagabihan, nagpaalam na siya sa mga magulang at kapatid na kailangan na niyang umalis dahil may trabaho na siya. Walang idea ang mga ito kung anong trabaho ang papasukin niya. Kung ano ang kapalit ng perang ipinambayad nila sa utang. Pagdating sa VincElla Hotel, kaagad siyang lumapit sa receptionist para magtanong tungkol sa reservation ni Mr. Pangilinan. Kaagad naman siyang pinahatid ng staff ng hotel. Nananalangin siyang wala sanang makakilala sa kanya. Simple lang ang suot niya: maong pants at white loose shirt. Nilugay ang buhok nais niyang tumakip sa mukha para walang makakilala. Hindi pwedeng makarating sa mga magulang ang ginagawa niya ngayon. Kailangan niyang maging maingat. Sa isang luxury room siya pinapasok ng staff. Nang makaalis na ito, iginala niya ang mga mata sa paligid. Wala siyang makitang tao sa loob. Ito ang unang beses niyang makapasok sa hotel room ng sikat na VincElla Hotel sa bayan nila. At masasabi niyang napakaganda ng silid. "Mr. Pangilinan," tawag niya habang naglalakad papasok sa malaking kwarto. Hinahanap niya si Mr. Pangilinan, ang ka-deal niya. Wala nang atrasan pa. Napapitlag siya nang may makitang tao sa tapat ng bintana. Nakatayo ito roon, may hawak na kopita at nakapamulsa ang isang kamay sa suot na trouser. Kumunot ang noo niya. Iba ang pangangatawan ng lalaking nasa harap ng salamin na bintana kung saan makikita ang ganda ng Bayan ng San Miguel tuwing gabi. "Mr. Pangilinan?" alanganing tawag niya at muling humakbang palapit. Tila mangangapos siya ng hininga habang dahan-dahang lumingon ang lalaki. "Hi," bati nito. Baritono ang boses na naghatid ng kilabot sa buong katawan niya. "Hi..." alanganing sagot niya at muling lumapit para mas makita ang lalaki. Dim light ang ilaw kaya hindi niya gaanong naaaninag ang mukha. Pero malayo ang katawan nito sa katawan ni Mr. Pangilinan sa larawan. Isama pang may buhok ito. "Are you Mr. Pangilinan?" tanong niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kabuuang mukha ng lalaki. Napasinghap siya at natakpan ang bibig ng mga kamay sa gulat. "What?!" bulaslas niya sabay napaatras nang makilala ang lalaki. Hindi ito si Mr. Pangilinan. Malayo ang itsura nito sa larawang pinakita ni Lenny. Mataba at matanda si Mr. Pangilinan. Ang nasa harapan niya ay bata at may magandang pangangatawan. Gwapo. At ilang beses na niya itong nakasalubong at nakita kung saan-saan. Ito ang lalaking nakabunggo niya sa mall. Ito ang lalaking nakita niya nang mag-dinner sila ni Lenny. Ito ang lalaking nakita niya sa rooftop ng condo unit niya na bumaba sa helicopter. Pero bakit ito ang nasa harapan niya ngayon at hindi si Mr. Pangilinan? Sino ito? Nagkamali ba siya ng kwartong pinasukan? "Well, I... guess... maling... room ang napasukan ko. I'm sorry," paumanhin niya at mabilis na tumalikod. "You are in the right room, Ellise." Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pangalan niya. Kilala siya nito. Sino ito? Bakit siya nito kilala? Anong nangyayari? "You know me?" nagtatakang tanong niya. "Of course, Ellise," sagot nito. Napatindig ang mga balahibo niya sa pagbanggit nito sa pangalan niya sa ikalawang pagkakataon. "I bought you, Ellise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD