"Ate Lenny, sagutin mo ang tawag ko," bulong niya habang tinatawagan si Lenny. Nakailang dial na siya pero hindi pa rin nito sinasagot. Na-setup ba siya? Bakit hindi ang inaakala niya ang nandito? Bakit hindi si Mr. Pangilinan? Bakit hindi matandang mataba ang nasa harapan niya? Bakit bata at gwapo ang kaharap niya ngayon? "Maybe Lenny didn't tell you about me because that's what I want. This is strictly business, and I know alam mo naman ang ganitong kalakaran sa mundong ginagalawan mo, right?" lintanya ng lalaki sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa niya alam ang pangalan nito. Sinulyapan niya ito at muling tinawagan si Lenny. "Hindi na niya sasagutin ang tawag mo, dahil nakuha na niya ang pera para sa kanya. In fact, tapos na ang usapan niyo. Kumita na siya sa'yo, at nak

