Chapter 11 New Place Ilang buwan na ba ang lumipas simula nang huli kong makita si Yael? Simula nang umalis sila ng bahay hanggang sa gumraduate ako, pumasa sa board at makakuha ng trabaho sa Medical City Clark. Up until now I still haven't seen him. Siguro ay mag-iisang taon na nga e. I want to ask Colton about him pero madalang lang siyang umuwi at palagi pa siyang pagod. At ewan ko ba sa sarili ko. Hindi ba dapat hindi ko na siya iniisip? I mean, matagal ko na siyang hindi nakikita. Dapat lang na makalimutan ko siya. "Duty mo na?" Kakarating lamang ni Colton at suot niya pa ang kanyang uniporme. Tumango ako at inayos ang puti kong uniporme. I've always dreamed about this. Wearing all white and working in a hospital. Oo, nakaputi nga kami no'ng college pero iba pa rin

