After a week vacation---sobrang saya ko. Henrico change a lot. Bumalik na ito sa dating siya noong kami pa. And now, I'll start showing him that there's a lot of fish in the sea. Hindi niya kailangang buruhin ang sarili niya sa akin. Dahil simula't sapol pa man ay alam nitong maghihiwalay at maghihiwalay din kami. Kailangan ko siyang unti-untiin para maihanda ko siya sa paghihiwalay namin. Ayoko namang biglain siya, baka bumalik ulit sa pagiging moody niya at ikulong na naman ako. I won't let that happen again. Nakalaya na ako sa ganoon at hindi ko hahayaang bumalik pa ako. "Hey, ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ni Henrico kasabay ng pagtapik nito sa aking balikat. Napaigtad ako pero agad ding nakabawi at ngumiti. "Pagod lang ako, hindi kasi ako masyadong nakatulog sa biyahe." Saa

