Wala akong ginawa pagkaalis nito kung hindi ang sumalampak sa sahig at humagulgol nang humagulgol. Ang sakit sakit at tila namamatay na ako sa loob ko. Dapat okay sa akin kasi hindi ako mahihirapang mamili, pero bakit hindi kaya ng buong pagkatao ko? Gusto kong siya ang kasama ko pero iniisip ko si Henrico. Gusto kong katapos ang lahat ng ito ng ako ang gagawa ng paraan. "Kaya mo to, Lailanie." Pagpapalakas ko sa aking loob habang panay pa din ang aking paghagulgol. Itinakip ko pa ang aking kamay sa aking mukha dahil ayaw tumigil sa pag agos ng luha sa aking mga mata. Gusto kong sumigaw pero nanghihina na ako sa panay panay na pag iyak. Kahit nanghihina ay lumipat ako sa kama at doon dumapa para muling ipagpatuloy ang pag iyak. Tama ba o mali ang lahat---kailangan kong tanggapin. S

