Aalis ako ngayon, nagpaalam ako kay Henrico and he said yes. Ilang beses na niya akong pinapayagang umalis. At hindi man lang niya ako sinasamahan. Ibig sabihin ay may tiwala na siya sa akin. Ang kailangan ko na lang muna gawin ngayon ay ang ipaintindi sa kanya na hindi masamang impluwensiya si Marianne sa akin. Gusto kong marealize niya ang ugnayan nilang dalawa. Magkapatid ang turing nila noon pa man at kailangan kong maibalik iyon. "Are you sure na hindi ka sasama, Henrico? Wala akong makakasamang magbuhat." Pangongosensiya ko pa na tinawanan niya lang. "Hhmmmp! Tatawanan mo lang ako. Sinong magbubuhat ng mga bibilhin at ishoshopping ko?" Nakasimangit na ani ko at pasalamapak na naupo sa sofa. Busy kasi siya sa ginagawa nito sa kanyang laptop. "Babawi ako next time, Lailanie. May ti

