Napapansin ko ang palagiang pag alis ni Henrico sa bahay. Oo, araw araw itong umaalis ng bahay pero nitong mga nakaraan ay tila nakakapanibago. Maagang aalis pwro halos madaling araw na kung umuwi. Hindi naman sa pinagbabawalan ko siya. Sana lang ay magsabi naman ito para alam ko kung hihintayin ko pa ba siya o hindi. "Magkita naman tayo ngayon, my love." Malambing na saad ni Isa sa kanilang linya. As usual nasa banyo na naman ako para makausap lang siya. Hindi naman pwedeng palakad lakad ako somewhere in this house. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gawin iyon. "Maybe, bukas na lang, my love. Anong oras na din, eh, baka dumating siya at wala ako. Mapagalitan pa ako," tanggi ko sa aya ni Isa. "He wouldn't dare, my love. Subukan ka niyang sigawan---he'll taste hell. Ngayon pa b

