Isang malakas na buga ng hangin sa itaas bago ako lumabas ng aking sasakyan. Kailangan kong ikalma ang aking sarili dahil sa totoo lang---napakahirap. Pagpasok ko sa loob ng restaurant ay hinanap ko ito sa paligid. He's not here. Hindi ko siya makita. "He's not here..." bulong ko, yung tamang tama lang sa kanyang pandinig. "Andiyan 'yan, my love. Just wait for his call." imporma ni Isa sa aking earpiece. Oo, alam ni Isaiah ang lahat lahat na. Wala na akong nilihim pa kahit na isa. Hindi ko na kasi kaya pang ihandle ang ginagawa ni Henrico. Alam ni Isa ang ginagawa niya. And this? He planned all of this. Pati ang pagsipot ko sa pakikipagkita kay Henrico. Noong una ay ayaw nito ang suhestiyin ko, pero wapa din itong nagawa sa huli kaya kinailangan niyang isecure ang lahat. "He's here..

