Nanginginig ang aking mga kamay habang binubuksan ang pintuan ng kuwarto ni Ella. Kinatok kasi ako ni Lora na may bisita daw ako at mga magulang ko daw sila. At sinabi din nito na sila ang mga pumunta dito at hinahanap siya. Hindi ko alam kung paano nila nalaman kung nasaan ako. And I never expected that they'll find me. Sa pagkakatanda ko ay kinasusuklaman nila ako at napaka-imposibleng maghanap pa sila. Ang mag aksaya ng oras nang dahil sa akin ay ang pinakahuling gagawin nila. At sa kaisipang, sila pa ang umalis at iwanan ang anak nilang mag isa. At alam ko na alam din nilang papaalisin na din kami sa bahay na iyon. Kung may isip sila---sana sinama nila ako, pero hindi ganoon ang nangyari. Mas gugustuhin nilang iwanan ako kaysa ang isama. At ngayon---nandito sila? Para saan? To r

