"He'll leave me, Marianne." Natatakot kong saad dito at kumalas sa pagkakayakap niya. Alam ko na ang pagbitaw nito ay kasalanan ko din lamang. "Sumuko na siya sa akin nang tuluyan. Masyado ko ba siyang nasaktan noon at ngayon? Tell me, Marianne. Sobra ko ba siyang nasaktan?" Tumingin ako sa mga mata ni Marianne. Kahit luhaan ay kitang kita ko ang kanyang pagtango. Pagtango na mas dumurog sa aking puso at isipan. Knowing that I hurt him over and over again. At sa nakikita ko sa mukha ni Marianne ay sobrang nasasaktan din siya. Hindi ko nga lang alam kung para sa akin ba o para kay Isaiah. "He's not gonna leave you, Lanie. He loves you so much at hindi ka niya susukuan ng ganoon ganoon na lang. Hayaan mo muna siyang mag isip. Gulong gulo ang utak niya ngayon at hindi makakatulong kapag pi

