bc

His Maid

book_age18+
446
FOLLOW
6.0K
READ
dark
heir/heiress
blue collar
addiction
like
intro-logo
Blurb

A probinsyana girl na si Stephanie lumuwas ng manila upang magtrabaho bilang "Maid" sa isang mayamang pamilya na mga lawyer ang paglilingkoran.

Harrison Kiel Salvador isa sa pinaka masungit na amo ni Stephanie.

Makakaya nga bang paamohi ni Stephanie ang isang among mas malala pa sa demonyo?

O susuko nga ba sya sa kanyang trabaho sa sa kanyang amo?

ABANGAN....

Maid Series:

Caught in a whirlwind of unexpected events, Calia finds herself thrust into the daunting role of a housekeeper in a grand mansion, serving an enigmatic employer, Sir Zach. From the moment she sets foot in his imposing abode, she's met with confusion and intimidation. Yet, as she navigates through the opulence and secrecy of the household, Calia grapples with the complexities of her position and her employer's unpredictable behavior.

A series of encounters with Sir Zach leaves her questioning her worth and purpose within the mansion's walls. Confronted with abrupt dismissals and bewildering commands, Calia struggles to understand her place in this unfamiliar world. As tensions rise and emotions run high, she must decide whether to endure the challenges or flee from the shadows that lurk within. In a tale woven with suspense and uncertainty, Calia's journey unfolds as she navigates the labyrinth of her employer's demands and her own inner turmoil.

chap-preview
Free preview
1
Disclaimer: This is a work of Fiction, Names, Characters, Businesses, Places, and Events are product of the author's imagination or used in fictitious manner. Warning: This story contains some parts tha are not suitable for young readers, Please read at your own risk. Hindi po ako perfect kung sakali man pong may mali ako or wrong grammar, You're free to correct me just comment. I will gladly have your correction guys. If you know that you are a writer, please wag mong e take for granted this chance. I want to inspire you all, kahit wala kayong readers go and go lang sa pagsusulat. appreaciate your talent everyone, please gumising na kayo at tayo'y magsulat na. all readers should be cafeful of what they read to stay at your innocence but i know that you guys are hardheaded, you still continue reading even it's a not suitable at your age. ————————————————————————- STEPHANIE POV Napahinto ako sa pagliligpit ng mga gamit ko sa bag nang mamataan ko ang paglungkot ng mukha ni Nanay. Tumabi ako sa pagkakaupo sa kanya at hinawakan ang kamay niya. " Nay, huwag na po kayong malungkot. Gagawin ko po ito para sa inyo, ayaw ko ng magtrabaho ka sa tubuhan. Gusto ko na nasa bahay ka nalang, mas makakapagpahinga ka pa ng maayos" " Pero, Anak. Nag-aalala ako sayo, malayo ang maynila. Mapapalayo ka sa amin ng mga kapatid mo" " Nay, alam ko ho yun. Pero kailangan ko po itong gawin, para kapag gumaling si Nena mailalabas na natin siya sa mental hospital. Mag-iipon ako, Nay. Para sa pag-aaral ng bunso ko, tsaka para na rin makapag-aral si Joseph yung pamangkin ko" " Inako mo na lahat ng responsibilidad na dapat ako ang gumawa, Anak" " Nay, isipin niyo nalang na gumaganti lang ako sa sakripisyong nagawa mo sa aming magkakapatid. Panahon na rin para gawin ko bilang panganay ang pagganti sa nagawa niyo sa amin, Nay" " Mamimiss kita, Anak" " Mamimiss ko rin kayo, Nay" Napayakap kaming dalawa sa isa't isa. Sana hindi ako ma-homesick sa maynila, buti nalang dalawa ang copy ko sa family picture namin. Yun lang ang tanging makakapagpawala ng pagod ko kapag nakapagtrabaho na ako sa bahay na iyon. Hinatid ako ni Inay mula sa sakayan, namumugto nga ang mga mata ko kaiiyak pero kailangan kong magpakatatag. Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya. Pagkarating ko ng maynila, sinundo agad ako ng isang recruiter agent. " Are you Miss Stephanie Jones?" " Opo, ako nga po" " Hop in" Sumakay na nga kami sa kotse, at habang nasa biyahe kinausap niya ako tungkol sa mga gagawin sa mansiyon.. Mansiyon Ibig sabihin..malaking bahay iyon? " Where is your document, Miss Jones?" " Heto po, Ma'am" Iniabot ko sa kanya ang brown envelope na nasa kamay ko. Sinipat niya iyon at binasa ng maigi. " So, hanggang elementary lang pala natapos mo. Ano?" " O-opo, Ma'am. Pero masipag naman po ako, Ma'am. Kaya ko po'ng gawin lahat ng gawaing bahay. Kahit ano po" " To tell you frankly, hindi lang ito basta bahay lang, Stephanie. Lawyer family ang pagsisilbihan mo, you have to be careful lalo na sa pagpasok sa mga silid na hindi pinapagawa sayo. Do you understand me?" " Yes po" " Ihahatid kita doon, mayroon silang anak na lalaki medyo matigas ang ulo. Sa kanya ka magsisilbi. All you have to do is doing what he want. Kung ano ang mga iuutos niya, susundin mo" " Opo, Ma'am" " Malaki anh sweldo doon, Stephanie. Worth ten thousand ang monthly salary mo at posibleng lumaki pa yan if makikita nila na maganda ang trabahong ipinapakita mo" Nagliwanag ang mukha ko, akalain mo sampung libong piso ang kikitain ko buwan-buwan. Ang posibleng lumaki pa ito kapag pinagbutihan ko pa ang trabaho ko. " There is one more thing that I had to tell you, Stephanie" " A-ano po yun, Ma'am?" " You have to be careful with this man name...Harrison Kiel Salvador" " B-bakit po?" " Malupit yun pagdating sa mga personal maid na kinukuha para sa kanya. Mahilig mag-acuse yun ng mga bagay-bagay na hindi mo naman ginawa kaya nga paiba-iba ang maid niyan, baka weeks lang umalis ka na don. Siya pa naman ang pagsisilbihan mo " " Susubukan ko ho, Ma'am. Ang mahalaga ho kasi magkaroon ako ng trabaho para may maipadala ako sa pamilya ko. Umutang na nga lang ako ng pamasahe para sa pagluwas ko dito sa maynila" " Basta sinabihan na kita, okay we're here" Binuksan ng driver ang van, namangha ako ng makita ko kung gaano kalaki yung bahay. Napa WOW! pa nga ako eh. Sobrang laki talaga nung bahay at yung pool ang lawak, pumasok kami sa loob nito. Mas namangha pa ako dahil sa mamahaling gamit at furnitures nito. Ang sarap siguro manirahan sa bahay na ito. Inihatid ako ni Miss Agent sa taong pagsisilbihan ko raw, napakalaki nung bahay baka kapag umalis na ito baka maligaw pa ako. Huminto kami sa isang door room, may nakalagay na pangalan doon na HARRISON KIEL ROOM. Nakailang room na aming nadaanan lahat ng door may pangalan pero iba sa room na ito, puro big letters talaga.. " Dito ka sa room na ito magsisilbi ha?" " Yes po, Ma'am" Pinihit ni Miss Agent ang doorknob at pumasok kami sa loob. Napaatras ako bigla nang makita kong na topless lang ito. Nakasuot ito ng headphone at tutok lang sa hawak nitong laptop. Napatikhim si Miss Agent, doon na kami pinansin nung lalaki. " Ow, Sophia. What brings you here ? Ow, let me guess. Another maid?" " Yes, I brought her here. So you can meet her instead" " Hindi ba kayo nakakaintindi ? Ayaw ko nga ng maid, I want to be alone. Give me some privacy naman, will you?" Sarkasmong sabi nito. Aba! Ang yabang pala ng bruhong 'to. Pasalamat siya pinagsisilbihan siya, tapos ganyan pa ang asal niya. " Stop doing stupid things, Hartrison. Stephanie is a probinsyana girl, ete-trained ko pa siya mamaya pinakilala ko lang siya sayo para malaman mo na siya na ang bagong maid mo sa ngayon. Siya ang magsisilbi sayo" " Whatever!"Ibinalik niya ang tuon niya sa pinapakinggan niya sa headphone at ginagawa niya sa laptop. Naku! Sana makayanan ko ang ugali ng bruhong ito. Pagtitiisan ko nalang kaysa naman mawalan ako ng trabaho, malaki pa naman ang sweldo sayang din. Trenained niya ako sa mga bagay na gagawin ko, mula pagkain ni Boss hanggang sa mga iinumin nito. Bawal akong gumawa ng pagkain na hindi inoorder ng bruhong iyon. " Noted mo ba lahat, Stephanie?" " Yes po, Ma'am. Lahat po" " Ano yung dapat gawin?" " Gawin agad ang mga inuutos ni Sir Harrison, gawing malinis ang room niya at gawan siya araw-araw ng panligo. Ihanda ang mga gusto niyang suotin, basta't bago kunin ang damit hingin muna ang approval niya para hindi siya magalit" " Very good, at ano naman ang mga hindi dapat gawin?" " Huwag ililigpit ang mga gamit na nasa kama niya inilgaya, huwag gagalaw ng mga gamit niya dahil pinakaayaw niya yung pinapakiilaman ang mga personal na gamit niya. Higit sa lahat, huwag papasok sa private room niya" " Very good. So, aalis na ako" " Sige po, Ma'am" Inihatid ko na siya hanggang sa van, nang makaalis ito. Nagtungo agad ako sa magiging kwarto ako at nagbihis na ng uniform. Kabado ako, oo. Pero kailangan kong magpakatatag para sa pamilya ko, titiisin ko nalang ang ugali ng bruhong iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook