Padabog ako'ng lumabas ng sasakyan at naglakad habang sinisigawan siya. " Nasaan na ba tayo, Kiel ? Hindi ka ba nag-iisip ha. Pinapalala mo lang ang sitwasyon eh. Iuwi mo na ako ngayon din " Sumunod si Kiel sa kinatatayuan. " Go ahead, magalit ka lang. Kung nakakagaan yan ng loob mo, hahayaan kita'ng sigawan ako " " Bingi ka ba huh ? Ano na naman ba ito ? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo ? " " Hindi ako bingi, hindi rin ako tanga, hindi ako bobo, hindi ako manhid at lalong hindi ako mahina. Sana ikaw din, Stephanie " Hindi ako nakakibo sa sinabi niya, bagkos napaluha nalang ako. " Look, I took you here para ilabas lahat ng sama ng loob mo. Stephanie, hindi pa huli ang lahat. You can get away with this situation. Its your choice, Judy is right. Hindi ka na masaya " " Ito nga ang

