JAMES KIEL POV May dala ako'ng bulaklak at mga prutas. Nakasalubong ko si Nanay sa daan, papalabas ito ng silid. " Oh, Hijo. Ikaw pala, tamang-tama katatapos lang niya kumain " " Pwede ko ho ba siyang makausap, Nay ? " " Oo naman, uuwi muna ako. Katatawag lang ni Nena, kailangan ko munang uwiin ang tatlo doon. Ikaw muna ang bahala sa anak ko ha ? " Napatango na lamang ako sa kanya. Pagkaalis ni Nanay, nagtuloy-tuloy na ako sa loob at nagkita na nga kami. May benda pa ito sa ulo. " Ka-kamusta ka na, Steph... " " Stella...yun ang pangalan ko. Hindi ba ? " Napatitig ako sa kanya. " O-oo, bakit alam mo ? Naaalala mo na ba ? " " Oo, naaalala ko na lahat " Nilapitan ko siya at naupo ako sa visitor sit. " S-si Benny, kamusta siya ? " Pansin ko ang bahid ng lungkot sa mga mata niya.

