STEPHANIE POV Umuwi na nga ako sa probinsiya namin, panay parin ang iyak ko kahit nasa biyahe na ako. Mabigat kasi sa loob ko ang iwan si Benny, siyempre mahal ko yun. Pero ayaw ko naman na dahil sa akin kaya hindi sila magkasundo ni Kiel sa ngayon at ayaw ko rin naman maging dahilan ng alitan ng kapwa pamilya nila. Lalo na ang ama ni Kiel, alam ko simula palang at kahit kailanman hindi ako matataggap nun bilang parte ng pamilya nila. Ring ng ring ang cellphone ko subalit hindi ko ito sinasagot. Nakailang tawag na ata sa akin si Benny hanggang sa napagod na siguro ito sa kaka-dial ng phone ko kaya tumigil na ito sa kakatawag. Pagkarating ko ng probinsya, agad ako'ng sumakay ng tricycle papunta sa bahay. Pagkarating ko naman sa bahay, kinatok ko ito. Sakto naman na si Nanay ang nagbukas

