Maid lang na kagaya mo. Damn this heart ! Ikaw ang laman nito, kung pwede lang palitan ko ang puso ko. Ginawa ko na para hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon, Stephanie ! Pero okay lang. Kahit masakit, may pinili ka na naman eh " Binitiwan na niya ang braso ko at nag-walk out na ito. Naiwan akong napahagulhol na rin sa kaiiyak, hindi ko aakalain na sasabihin niya lahat iyon sa akin. Kung alam lang niya na mas nahihirapan ako, kasi..nandiyan si Benny para mahalin at alagaan ako pero may puwang parin sa puso ko na ang hinahanap ay siya. Hindi ko naman kayang saktan si Benny. Ayaw kong maranasan ni Benny ang sakit na nararamdaman ko ngayon. STEPHANIE POV Pilit ko'ng kinakalimutan ang naging sagutan namin ni Kiel noong nakaraang gabi, itinutuon ko nalang ang atensyon

