BERNARD POV Nang masigurado ko na nakapagpahinga na si Stephanie, bumalik ako sa room namin ni Kiel. Ano bang pumasok sa isip niya at pati maid niya hinahayop niya. Hays! Padabog kong binuksan ang pinto at nakita ko pa siyang umiinom parin, dinampot ko yung alak sa table. Iniligpit ito pati ang basong ginamit niya. " Tigilan mo na nga ang pag-iinom, Kiel. Hindi mo ba alam na nakakasama sa katawan ito” Ngumisi ito. " Doctor ka na rin pala ngayon, Benny” " Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Kiel. At kanina, ano ang balak mo kanina kay Stephanie? Iba siya sa mga babaing sinisiping mo, Kiel. May dignidad si Stephanie iniingatan niya, huwag mo naman sanang sirain ang kinabukasan niya. Magpinsan tayo, Kiel. At mula pa noon kilala ko na kung ano ka kaya huwag naman si Stephanie. She's kind” H

