STEPHANIE POV Nang mailuwal ko ang kambal nawalan ako ng malay sa labor room. Hindi madaling magluwal nang dalawang mumunting anghel, nakakapagod din. Nang magmulat ako, unang nakita ko ang pigura ni Kiel. Hinaplos nito ang buhok ko at siniilan ako ng halik sa noo. " Hi, Babe. How's your feeling ? " " Okay na ako " Lubusan ko ng ibinuka ang mga mata ko at nakita ko na nandoon lahat ng angkan ng Cuevas at Salvador. Nandoon rin ang ama ni Kiel at ang ina ni Benny. Dahan-dahan ako'ng naupo mula sa kinahihigaan ko. " Hi, Ate Stephanie. Kamusta ka na po ? " Ngumiti ako ng tipid. " Mabuti na ang pakiramdam ko, Judy " Nilingon ko si Kiel at binulungan. " Kiel, b-bakit nandito sila ? kukunin ba nila ang mga bata ? kung yun ang dahilan, hindi ako papayag " Marahang lumapit sa akin si Mr.

