" Anak " Akmang tawag ni Nanay sa akin. " Bakit po, Nay ? " " May gustong kumausap sayo sa labas, siyanga pala nandiyan na rin ang bridal car mo. Mauuna na kami sa simbahan " " Sige, Nay. Ingat kayo " Niyakag ni Nanay sina Judy at Anny, pagkaalis nila pinatapos ko na ang pag-aayos sa akin at pagkatapos ay lumabas na ako ng room. Nang nasa tapat na ako ng bridal car..napatapik ako sa dibdib ng biglang sumulpot sa harap ko si Kiel. " You look great " " Kiel, naman. Papatayin mo ba ako sa nerbiyos ? " Ginagap niya ang kamay ko. " Sorry " Kinuha ko ang kamay ko'ng hawak niya. " Anong ginagawa mo dito ? Hindi ba dapat nasa church ka na " " I can't go there " " Huh ? " " Look, hindi ko kayang makita na ikakasal ka sa iba. Please choose me, mahal mo naman ako hindi ba ? " I rolled

