Harrison KIEL POV Late na akong nagising nang umagang iyon, pagkalabas ko ng kwarto naratnan ko si Nanay sa Kusina. Mag-isa lamang ito, I looked for Stephanie but she's not around. Nilapitan ko si Nanay na abala sa pagluluto. " Nay, nasaan ho si Stephanie " " Naku, nandoon sa ilog. Naliligo kasama ang mga bata, niyaya kasi siya nang dalawang batang yun. Kaya napa-oo nalang si Inday. May kailangan ka ba ? " " Wala naman ho, Nay. May hihilingin ho sana ako, kung papayag po kayo, Nay ? " " Ano yun ? " " Pwede po ba na dumito muna ako in two months ? " " Dalawang buwan ? Baka hindi mo kayanin ang buhay-probinsiya, Hijo " " Kakayanin ko ho, Nay. Ayaw ko pa po kasing umuwi sa amin, mas maganda ho kasi rito. Sariwa ang hangin at malayo sa pulosyon " " Kung...kakayanin mo papayag ako, sa

