HARRISON KIEL POV Tumawag ako ng medic nang mahimatay bigla si Stephanie, baka napagod lang siya sa biyahe kaya nawalan siya ng malay. Ilang sandali, nagising na ito. " Ano pong nangyari, Sir Harrison?" Napabalikwas ito ng bangon, inaya ko siya sa table. " Nawalan ka kasi bigla ng malay kanina, kaya napatawag ako ng medic. They said sa pagod at gutom daw yan kaya nagpaorder na rin ako ng food natin " Napasapo ito sa noo. Nagsimula na kaming kumain. " Siyanga pala, huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko sayo, Stephanie. Bakit nga pala ayaw mo sa place na ito ? May isang housekeeping dito na kilala ka. Nanggaling ka na ba rito ?" Napalunok ito ng marahan. " Sa katunayan po, Sir Harrison. Opo, nanggaling na ho ako rito. May isang pagkakataon po kasi na naisama ako ng boyfriend ko rit

