STEPHANIE POV Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mahihinang kaluskos mula sa banyo. I rubbed my eyes at itinuon ang tingin sa kama ni Benny. Napamulagat ako ng mapansin ko'ng wala siya sa kama niya. Nasaan siya ? Tumayo ako at sakto namang bumukas ang pinto ng banyo, hila-hila nito ang kanyang suwero. Nilapitan ko siya at inalalayang makabalik sa kama niya. " Love, naman. Bakit hindi mo man lang ako ginising para naalalayan kita. Baka kung napa'no ka na, mas mag-aalala naman ako ng sobra sayo " Nang makaupo siya sa kama niya, napayakap siya sa akin. Yung ulo niya nasa dibdib ko habang yung mga kamay niya nasa beywang ko naman. Nasa balikat naman niya ang mga kamay ko habang ang isa ko pang kamay ang nasa ulo niya. " Sorry na, Love. Pansin ko kasi na pagod na pagod ka kakaalaga s

