AODIE "AODIE, you need to be strong! Hindi pwedeng mahina. Paano mo maipagtatanggol ang pamilya mo kung iiyak ka lang kada masasaktan ka?! Stand up!" singhal sa akin ni Don Marcelino. Kasalukuyan kasi akong nakayuko at yakap ang aking mga tuhod dahil kakatapos lang namin masparring ng isang batang lalaki at nasuntok ako nito sa tagiliran na soyang okinadaing ko. Hindi ko pinangarap na matuto makipagsapakan at makipag-away dahil sabi ng aking lola ay hindi maganda ang makipag-away. Lalayo ang loob sa iyo ng mga tao at pwedeng pati ang mga mahal mo sa buhay ay lumayo din pero taliwas iyon sa tinuturo sa akin. Umangat ang ulo ko at tinignan si Don Marcelino. "A-Ang s-sabi po ng L-Lola Aida ko ay masama daw po ang pakikipag-away… ayoko na po," naiiyak na saad ko. Inayos ko ang sarili ko

