AODIE "AODIE, You haven't eaten anything… dalawang araw na," rinig kong usal ni Benjie sa gilid ng kama ko. "Wala akong gana…" saad ko dito at muling nagtalukbong ng kumot Ilang araw na ang lumipas nang makauwi kami dito sa bahay. Walang lamay na nangyari at walang anunsyo. Hindi sinabi kung anong tunay na ikinamatay ni lolo bagkus pinili namin nila Cold na ibahin at itago. Dalawang araw na rin akong hindi lumalabas ng kwarto ko dahil sa ilang araw namin na nakauwi ay muntikan ko ng mapatay ang halos lahat ng tao dito. May kung ano kasing pumitik sa akin at lahat sa paligid ko ay pakiramdam ko ay traydor at pwede kaming patayin isa-isa. Hindi ko alam ang nangyari basta nakita ko na lang ang sarili ko na nakaposas sa kama ko. Sabi ni Benjie, si Cold ang may gawa sa akin non dahil a

