AODIE PURO putok ng baril ang maririnig sa madilim na kagubatan kung saan nandoon ang isang warehouse na sinugod namin. “Aodie! Hide!” ayan naman ang sigaw na kanina ko pa naririnig sa kabilang linya ng earpiece ko. “I can handle myself, Cold… stop shouting!” usal ko dito sabay baril sa kalaban na nasa tapat ko. Isang taon na halos ng lumipas ng pagkawala ni Don Marcelino at walang nakakaalam kung sino ang pinag-iwanan nito ng lahat ng pagmamay-ari niya. Lahat ng tao sa underground at legal na negosyo nito ay nagkakagulo. Ang tanging alam lang ng lahat ay ang pangalang Aodilaida Geronimo. Patuloy namin na tinago ni Benjie at Cold ang lahat ng identities ko para walang makaalam kung sino talaga ang nasa likod ng pangalang iyong. Marami pa din ang nagtatanong tuwing pupunta kam

