AODIE NANG makarating kami sa loob ng kwarto niya ay muli akong sinalubong ng malamig na pakiramdam. Isama na ang kaba na meron ako dahil sa gagawin niya sa akin. Kinakakaba ko na baka nga hindi ako makalakad sa susunod na araw dahil doon, paano naman ang mga dapat naming gawin kung hindi ako makakalakad. Nawala ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang pagbaba nito sa akin sa kama. Marahan lang naman iyon kaya hindi ako nasaktan pero agad ko siyang tinignan at nakikita ko talaga sa ata niya na desidido siya sa gagawin niya. Agad akong napahiga nang mabilis itong dumagan sa akin. Halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin. Ramdam ko na ang hinga nitong tumatama sa mukha ko pati na ang init ng pakiramdam niya ay nagsusumigaw na. “Cold…” tawag ko sa kan’ya nang maramdaman ko

