AODIE “LET’S go, marami ng nakwento panigurado si Ani tungkol sa iyo,” usal nito bago inilahad ang kamay papunta sa akin. “But of course, alam kong si Danjo din ay may nakwento na rin tungkol sa iyo,” habol niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Kilala niya talaga ang pinsan niyang iyon pagdating sa mga ugali. “Sinong pinakaclose mo sa kanilang lahat?” tanong ko dito habang kinukuha ang kamay niya. Mahigpit naman niyang hinawakan iyon bago ako nito itinayo. “Kung pinakaclose, I go with Kean. I don’t know if he is here now because last time I heard– Kean and Kalvin are in the States right now,” usal nito na ikinatango ko. Marahan kaming naglakad na dalawa palabas ng kwarto niya habang hawak pa rin nito ang kamay ko. “Bakit siya ang pinakaclose mo? Akala ko si Ani,” usal ko r

