AODIE DAHIL sa sinabi ko, ang nanlilisik nitong mata kanina ngayon ay parang may kung anong liwanag na hindi maipaliwanag. Napatitig ito sa akin habang unti-unting sumisilay ang ngisi sa labi. Bahagya naman akong napataas ng kilay nang makita kong namumula ang leeg nito. Isang malakas na tawa naman ang nagpabalik sa amin sa reyalidad kaya sabay kaming napatingin kay Dan na muling nagtago sa likod ng upuan. "Si Kuya B, namumula!" usal ni Ani na katabi ko lang. "Damn, Bry! Ngayon lang kita nakitang namula!" usal naman ni Nathan na natatawa dahil sa itsura ni Cold. "Shut up, Nathan," usal ni Cold bago tumayo. Mabilis nitong hinawakan ang kamay ko kaya naman nahila ako nito patayo. "Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Cold na si Dan ang sumagot . "Mamarkahan ka!" saad niya kaya n

