NANUNUOT sa ilong ko ang kanyang amoy kahit na may lamesang nakapagitan sa amin. Nakalugay ang kanyang mahaba at maalon na buhok. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang dress. Para siyang model ng mga sikat na brands sa ibang bansa. Hindi ko mapigilang manliit at mahiya dahil kahit nakabihis ako ngayon ay pakiramdam ko walang-wala ako ni sa kalingkingan niya. She’s ethereally beautiful. “Enjoy your coffee, Ma’am!” Pareho kaming nginitian ng crew na naghatid ng order namin dito sa lamesang pang-apatan. Tipid akong ngumiti at nagpasalamat din. “Come on, Armea. Mas masarap siya kapag mainit pa,” untag niya. Ngumiti ako at tinikman ang kapeng in-order niya para sa aming dalawa. May kasamang isang slice ng chocolate mousse cake na hindi ko alam kung kaya ko pang kainin gayong naunahan

