MAGKAHALO ang gulat at lungkot sa kanyang mga mata pagkatapos kong maisalaysay sa kanya ang lahat. Sa tingin ko ay ito na rin ang tamang oras para malaman niya ang totoo. I don’t want her to believe in false hopes. “I thought you and Alexis have something special for each other. I’m sorry, hija. Hindi lang dalawa o tatlong beses kitang itinulak sa anak ko. Maraming beses. Nakakahiya ang nagawa ko.” “It’s okay, Ma’am Alice. Besides, Alexis and I are very good friends.” I smiled at her sincerely. Their family has been very good to me. Kaya wala rin naman akong hinanakit sa kung anuman ang nangyari noon. “Matagal na tayong nagkasama pero ganyan pa rin ang tawag mo sa ‘kin. Please call me Tita,” aniya. Bagama’t nakangiti siya ay nababasa ko pa rin ang panghihinayang sa kanyang mga mata.

