“ANO’NG nangyayari?” Naibaba ko ang hawak kong tumbler nang makita ko ang isa sa mga cashier naming si Leah na kalalabas lang ng opisina ni Miss Lauren. Umiiyak ito. Hindi niya ako pinansin, bagkus ay nanakbo siya papuntang restroom. Parang nahuhulaan ko nang napagalitan siya ni Miss Lauren. Ano kaya’ng nagawa niya? Isang oras na lang ay uwian ko na. Si Jade ay panay ang bantay sa akin. Lagi akong tinitingnan at minsan pa’y inaagaw niya ang bubuhatin kong tray at siya na ang naghahatid sa customers. Ilang beses ko pa siyang nahuling nakatingin sa tiyan ko at mababakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ako nakahanap ng tiyempo na makausap kanina si Miss Lauren dahil maraming customers. Humupa na ngayon at tanging mag-asawang naka-reserved na lang ang kumakain sa labas. Uminom pa ako

