CHAPTER 23

1384 Words

“ORION, don’t!” Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang tinakbo bago pa siya mabagsakan ng grocery bag na kapapatong lang ni Yuri kanina. Humagikhik ang bata na parang tuwang-tuwa pa siyang natapon ang laman ng bag. Napailing ako’t pinulot isa-isa ang laman niyon saka ibinalik. “Yuri, huwag mo kasing nilalagay rito ang dala mo, naaabot ni Orion,” untag ko sa pinsan kong kalalabas lang ng kuwarto nila Tiyang Mildred. Napakamot siya sa ulo. “Akina nga ang batang ‘yan na makulit.” Binuhat ni Yuri ang anak ko’t pinaghahalikan sa leeg. May kiliti roon si Orion kaya tawa ito nang tawa. “Ang kulit-kulit mong bata ka! Ibenta kaya kita sa intsik para pagkaperahan?” Napailing ako sa mga pinagsasabi ni Yuri. Nagpapasalamat ako na isa siya sa mga katuwang ko sa pagpapalaki kay Orion. Spoil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD